^

PSN Opinyon

10 pinaka-magastos na gusot sa mundo

SAPOL - Jarius Bondoc -

(10) PAGLUBOG ng Titanic, Apr. 15, 1912, nu’ng kauna-una­hang biyahe, sa nagyeyelong karagatan — Mahigit 1,500 pasahero nalunod; $7 milyon — $150 milyon ngayon — ang gastos sa paggawa ng dambuhalang barko.

(9) Banggaan ng kotse at tanker truck sa Wiehltal Bridge, Germany, Aug. 2004 — Sumabog sa expressway ang 32,000 litrong gasolinang karga ng tanker; $358 milyon para emergency repairs at palitan ang tulay.

(8) Banggaan ng passenger at cargo trains sa California, Sept. 2008 — 25 patay; lumampas sa red light ang pampasahero habang nagte-text ang engineer; mahigit $500 milyon ang babayarang demanda.

(7) B-2 Stealth bomber crash, Guam, Feb. 2008 — sirang instrumento, naka-eject ang dalawang piloto; durog ang eroplanong $1.4 bilyon.

(6) Exxon Valdez oil spill, Gulf of Alaska, Mar. 1989 — pinaka-malalang oil spill sa kasaysayan, 43 milyong litro ng krudo kumalat nang sumadsad ang supertanker; $2.5 bilyon gastos sa paglilinis.

(5) Piper Alpha oil rig accident, North Sea, July 1988 — nakalimutan ng mga inspektor isara ang 1 sa 100 barbula; 167 manggagawa patay sa sunog; $3.4 bilyon natupok.

(4) Space shuttle Challenger sumabog, Jan. 1986 — 73 segundo mula takeoff, habang nanonood ang libu-libo sa Florida at sa TV; isang O-ring sira; halaga ng space shuttle, $2 bilyon noon, $5.5 bilyon ngayon.

(3) Prestige oil spill, Spain, Nov. 2002 — Sumabog ang 1 sa 12 holds ng supertanker habang nakadaong dahil sa bagyo; lumubog at nagkalat ng 80 milyong litrong krudo sa dagat; $12 bilyon halaga ng paglilinis.

(2) Space shuttle Columbia sumabog, Feb. 2003 — Sa ere ng Texas, habang pabalik sa lupa, matapos ang 16 na araw sa outer space; nabutas ang pakpak; $13 bilyon halaga ng Columbia at paghahakot ng pira-piraso.

(1) Chernobyl nuclear accident, Ukraine, Apr. 1986 — 50% ng kapali­gi­ran wasak sa pagsabog ng nuke plant, 200,000 tao nilikas, 1.7 milyon pa na­apektuhan ang hanap­buhay; $200 bilyon ibi­nayad.

BANGGAAN

BILYON

EXXON VALDEZ

FEB

GULF OF ALASKA

MDASH

NORTH SEA

PIPER ALPHA

SUMABOG

WIEHLTAL BRIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with