'Bilas ko si Satanas!'

(Unang bahagi)

MAPAGLINLANG ang isang demonyo, magpapanggap ito bilang isang gwapong lalake… magandang babae. Mapagbalat-kayo sila, minsan magugulat ka nalang na isang miyembro ng iyong pamilya ay kampon ni Satanas.

Ito ang natuklasan ng isang ‘tricycle driver’ na si Benjo Valete, 31 taong gulang ng San Pedro Laguna.

Laking Tarlac, Pampanga si Benjo, Taong 1998, sa edad na 21 ng lumipat ang kanyang pamilya sa bayan ng San Pedro.

Nang taong ding ito nakilala niya ang 19-anyos na si Wilma Gaufo, kanyang asawa.

Biniyayaan ang mag-asawa ng isang anak na babae na si Joan, (di niya tunay na pangalan) 10 taong gulang.

Nagpalipat-lipat ng tirahan sila Benjo, unang beses silang bumukod sa kanilang pamilya kaya nung una’y naging mahirap sa kanila ang buhay mag-asawa hanggang sa nagkaroon pa sila ng dalawang anak na babae.

Lumipat sila sa isang paupahang kwarto sa Barangay San Antonio, San Pedro at dito na tumagal ng limang taon hanggang sa kasa­lukuyan.

Sa unang taon ng kanilang pag-upa tumira sa kanila si Maria “Marivic” Veronica, nakababatang kapatid ni Wilma. Isang buwang nasa kanilang poder si Marivic.

Kasalukuyang nag-aaral si Marivic nun, ngunit dala ng kagipitan na­ma­sukan ito bilang katulong sa Maynila.

Nakilala ni Marivic si Cyrilo Maratas kilala bilang “Loy”, 31 taong gulang  nun si Loy habang 16-anyos palang si Marivic ng sila’y naging magkasintahan.

Sampung taon man ang agwat ng kanilang edad ay nagpasya silang magsama.

Nabakante ang katabing kwartong inuupahan nila Wilma, sinabi niya ito kay Marivic na noon ay naghahanap ng matitirahan kaya’t siya ang lumipat dito.

“Kampante ang asawa ko nun dahil mababantayan niya ng maigi si Marivic. Tutol kasi siya sa relasyon ng dalawa” kwento ni Benjo.   

Sa loob ng tatlong taon ng pagiging magkapitbahay ng magkapatid ay naging sandalan nila ang isat-isa habang ang magbilas na si Benjo ay naging abala naman sa pamasada ng tricycle.

“Halos maging mekaniko na nga ako ni Loy dahil madalas sira ang kanyang pinapasadang motor,” salaysay ni Benjo.

Agosto 28, 2009 ng mabutas ang gulong ni Benjo, pamamasada lang sa rutang United ang kinabubuhay ng kanilang pamilya kaya naman nung araw ding ’yun ay agad siyang bumili ng bagong gulong kasama si Wilma.

Hindi pa sila nakakapasok sa gate ng salubungin sila ni Jenny (di niya tunay na pangalan), pangalawang anak ni Benjo.

Kinausap ni Jenny si Wilma, “Mama, nakita ko si Ate kanina… Si ate at si kuya Loy nasa banyo!”.

Hindi nagustuhan ni Wilma ang sinabi ng anak kaya sinabihan niya ito na “Wag kang magkwento ng ganyan ah! Hindi yan tamang sabihin ng bata!”, sabay hila kay Jenny papasok sa loob ng bahay.

Pinatawag ng mag-asawa si Joan, tinanong ni Benjo kung totoo ang sinumbong ni Jenny.

Batid ang takot kay Joan, pilit siyang pinaamin ni Benjo… “Anak totoo ba? Totoo ba Joan?!... Anu ang nangyari? Anung ginawa sa’yo ni Loy?!”.

Tumagaktak ang pawis ni Joan, nanginginig siya sa takot. Sumagot siya at inaming hinalikan siya ng kanyang tiyo.

Napatayo si Benjo mula sa kanyang kinauupuan, tinanong niya kung ano pang sumunod na ginawa ni Loy sa kanya ngunit dina ito sumagot.

“‘Wala na po papa, Wala na!’ di ako nakuntento sa aking narinig, di ko na napigilang magmataas ng boses at sa huling pagkakataong tinanong ko siya!” salaysay ni Benjo.

Takot na takot siyang nagsalita ng “Opo”, napatungo nalang si Joan at agad silang dumiretso sa Barangay San Antonio upang magreklamo.

Ilang beses siyang kinausap tungkol sa nangyari sa barangay, nung una’y walang marinig sa kanya kung di ang walang tigil na pag-iyak nito hanggang nagsalita na si Joan tungkol sa panggagahasa ng kanyang tiyong si Loy.

“Opo, ginalaw po ako ni Kuya… habang nakadungaw ako sa rehas… sa creek bigla nalang akong hinawakan ni kuya Loy sa dalawang braso!

Hinila niya ako papunta sa CR… Hinubad niya ang short ko at panty at pilit niyang pinapasok ang t&^! niya sa P$#( ko!” pagsasalarawan ni Joan.

Kaharap sila Benjo ay inamin ni Loy na tatlong beses niyang ginalaw si Joan.

Pagsisiwalat ni Joan hindi lang tatlong beses itong nangyari, sa bilang niya ito’y humigit kumulang tatlumpo.

Lulan ng sasakyan ng barangay agarang dinala si Loy sa San Pedro Police Station.

Pagdating sa presinto, dahil ‘fiesta opisyal’ ng araw na yun ay hindi na nakapagbigay ng salaysay si Joan dahil walang babaeng pulis na maaring mag-interview sa kanya, minabuti silang pabalikin kinabukasan upang gawin ang unang proseso habang agad na pinasok sa selda si Loy.

Ganap na alas nuwebe ng umaga ng bumalik sila Benjo sa pulisya, una niyang nakita si Loy na nakakulong… tinitigan niya ito, gusto na niyang ilagay ang batas sa kanyang mga kamay ngunit inisip nalang niyang idaan sa legal na proseso ang lahat.

Iminungkahi kay Benjo na isailalim si Joan sa ‘medico legal examination’ ng araw ding yun subalit dahil non-working holiday ay pinagpaliban nila ito.

Muling inusisa si Joan sa panggagahasa ni Loy para sa masusing imbestigasyon kinailangang balikan ni Joan ang kahayupang ginawa sa kanya.

Hindi naging madali kay Joan na paulit-ulit na ikwento ang pangyayari na kaharap ang kanyang ama kaya’t minarapat ng pulis na pribadong kausapin si Joan kasama si Wilma upang maidetalye nito ang sinapit sa kamay ng kaniyang tiyo.

Mula sa bintanang salamin sa pinto, nakasilip si Benjo.. nakita niya ang walang tigil na pagpatak ng luha ng kanyang anak sa tuwing sasagot ito sa pulis.

Hindi man naririnig ni Benjo ang sinasabi ni Joan? Ramdam niya ang hirap ng kanyang anak!

ANO ANG PINAG-USAPAN NILA WILMA SA LOOB NG SILID? Ano ang mga sinumbong ni sampung taong gulang na batang ito sa kahayupang ginawa ni Loy? Ano ang resulta ng Medico Legal na pagsusuri sa kanya? ABANGAN ang mga kasagutan sa pagpapatuloy ng seryeng ito sa MIYERKULES, EKSKLUSIBO SA CALVENTO FILES dito lang sa PSNGAYON. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

Email address: tocal13@yahoo.com

Show comments