^

PSN Opinyon

Paglobo ng tiyan tanda na may liver cirrhosis

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, ang aking ama ay mahilig uminom ng alak. Halos araw-araw ay umiinom siya. Wala kasi siyang trabaho kaya nakaugalian na ang pag-inom. Napapansin kong malaki ang kanyang tiyan. Nabasa ko po sa isang column n’yo noon na isa sa mga signs ng pagkakaroon ng cirrhosis of the liver ay ang paglaki ng abdomen. Natatakot akong meron na siyang cirrhosis. Napapansin ko ring pumapayat siya.

Michael M. ng Simon St. Sampaloc, Manila

Mas mabuti kung patitingnan mo siya sa doctor para makatiyak ka. Bagamat totoo na ang paglobo ng tiyan ay isa sa mga senyales ng cirrhosis of the liver, hindi ka pa rin naman nakasisiguro kaya dapat mong ipasuri ang   father mo.

Ang karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng cirrhosis ay ang labis na pag-inom ng alak. Ang iba pang dahilan ay ang viral hepatitis, malnutrition, chronic inflammation at ang blockage ng ducts sa atay. Kapag nadedebelop na ang sakit, ang malambot na tissue ng atay ay magka­karoon ng mga pilat at hindi na kayang salain ang toxins sa dugo. Kapag may damage na ang atay, hindi na ma­gan­da ang mararamdaman ng pasyente at makararanas na siya ng discomfort. Dito na magsisimula ang paglobo ng abdomen, makararanas ng constipation, diarrhea, pag­su­ suka, walang ganang kumain at pagbaba ng timbang. Kasunod na rin ang paninilaw o ang tinatawag na jaundice. Maaaring makaranas din ng pagdurugo because the disease can slow down the blood clotting mechanism.

Nararapat iwasan ng mga may cirrhosis ang matata­bang karne at full fat dairy products gaya ng keso. Iwasan din ang mga pagkaing maraming spices kagaya ng      barbecued foods dahil ang mga ito ay may toxins. Ang mga pasyenteng may advanced cirrhosis ay maaaring magka­roon ng edema or dropsy kung saan ang excessive fluid ay mag­dulot ng pamamaga ng katawan. Ipi­napayong iwasan ang salt and sodium intake.

Ipinapayo ko na iwasan ang pag-inom nang sobrang alak.

Sa mga may cirrhosis, ku­main nang maraming carbo-hydrates gaya ng kanin, po-tatoes, wholegrain bread, pasta, sariwang isda at gulay para makuha ang mga kaila­ngang bitamina.

BAGAMAT

CIRRHOSIS

DITO

KAPAG

MICHAEL M

NAPAPANSIN

SHY

SIMON ST. SAMPALOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with