^

PSN Opinyon

Si Mikey at ang maruming pera

- Roy Señeres -

MAY kasabihan na dalawang uri raw ang pera. May pera raw na “smiling money” na ang ibig sabihin ay pera na natanggap sa matinong paraan, kung saan walang sama sa loob ang nagbigay dahil masaya naman siya sa sapat na produkto o di kaya serbisyo na nakuha nila. Sa kabilang panig, may pera raw na “crying money” na ang ibig sabihin ay pera na sapilitan ang pagkakuha, at maari pang masama ang loob ng nagbigay. Ano kaya ang pera na ibinigay kay Mikey na ipinambili ng bahay sa America ? Smiling money o crying money?

Sa usapan ng money, hindi ba may batas na Anti-Money Laundering Act (AMLA) kung saan mahigpit na ipinagbaba­wal ang paglipat ng pera mula sa Pili­pi­nas papunta sa America at iba pang bayan kung walang wastong pahin­tulot? Sa pagkaalam ko, may limit na $10,000 ang maaring dalhin ng isang pasahero, at ito ay kailangang madeklara sa port of entry. Paano kaya naila­bas ni Mikey ang milyong dollars kung may limit ang paglabas nito?

Possible na dahil sa pagiging Presidential Son ni Mi-key, siya ay may diplomatic passport at maaring ginamit niya ang kanyang diplomatic immunity upang mailusot ang mga dala-dala niyang dollars na sobra sa limit. Kung ganito nga ang nangyari, lalabas na smuggler si Mikey   sa pananaw ng gobyerno ng America. Sa pananaw na-man ng gobyerno ng Pilipinas, sino ba ang maglalakas-loob na magbukas ng bagahe ng presidential son?

Ano man ang ginamit ni Mikey upang mailabas ang    pera papunta sa America, dapat lang mag-imbestiga na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) kahit si Mikey ay isang presidential son pa      at kahit congressman pa man din.

Ang sabi ni Mikey, may karapatan naman daw siya na magkaroon ng malaking pera, dahil mayaman naman daw ang mga magulang niya. Ga­noon pa man, wala siyang ka­rapatan na lumabag sa AMLA kahit sino pa siya.

Ano kaya ang sasabihin ng AMLC sa isyu na ito? Ma­buti na lang, hindi si Merce­ditas Gutierrez ang hepe ng AMLC, otherwise lalabas na naman na wala siyang maki­kitang evidence, at lalabas     na naman na walang sala si Mi­key kahit napakalinaw na ng katibayan.

Samantala, iba na talaga ang panahon ngayon, dahil mismong mga Pilipino na na­katira na sa America ay hindi na masikmura ang pag-abuso ng mga Arroyo, kaya nila nilu­sob ang bahay ni Mikey doon. Hindi pa kaya nakakahalata ang mga Arroyo na ayaw na sa kanila ng nakakaraming Pilipino?

ANO

ANTI-MONEY LAUNDERING ACT

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

MIKEY

MONEY

PERA

PILIPINO

PRESIDENTIAL SON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with