^

PSN Opinyon

Guingona bill sa climate change

- Al G. Pedroche -

ISANG realidad ang pagbabago ng klima na nagdudulot na ng pagkasalanta sa ating lipunan. Maaaring walang batas na makapipigil sa climate change pero mahalagang magkaroon ng batas para man lang maibsan ang masamang epekto nito sa taumbayan.

Sa ngayon, isinusulong ni Bukidnon Rep. Teofisto “TG” Guingona sa Mababang Kapulungan ang Disaster Risk Reduction and Management Bill (DRRM). Layunin nito na paigtingin ang tugon ng pamahalaan sa mga sakunang dala ng climate change.

Kung maipatutupad, papalitan ng batas na ito ang PD 1566 na nagtatatag sa National Disaster Coordinating Center (NDCC) at ng Office of Civil Defense (OCD) na direk­tang nasa pangangasiwa ng Department of National Defense (DND).

Itatanong ninyo sigurado kung ano ang kaibhan ng da­lawa. Ayon kay Guingona, ang layunin ng naunang PD 1566 ay nakatuon lamang sa pamamahagi ng disaster relief. Pero sa panukalang batas niya, magkakaroon ng comprehensive range of action kagaya ng: Paghahanda bago pa man maganap ang sakuna bukod pa sa mga gawaing panaklolo; rehabilitasyon at reconstruction ng mga napinsala ng mga dumarating na kalamidad.

Ang mabubuong ahensya ay hindi na rin masasakop ng DND at ang mga gawaing panaklolo, rehabilitasyon at rekonstruksyon ay babalikatin ng isang autonomous agency na direktang nasa pangangasiwa ng Office of the President.

Ang OCD ay gagawing National Disaster Risk Reduction and Management Authority (NDRRMA) at ang NDCC naman ay magiging National Disaster Risk Reduction Council (NDRRMC).

Sabagay, iba na talaga ang timplada ng panahon ngayon. Nung araw, walang mga tornado sa bansa pero ngayon ay mayroon na at sumisira ng mga tahanan at ari-arian.

Wika nga ni TG, umaasa si­yang maisa­sa­batas agad ang panukalang ito para makatu­gon sa mga luma­lalang kala­mi­dad dulot ng climate change.

vuukle comment

BUKIDNON REP

DEPARTMENT OF NATIONAL

DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT BILL

GUINGONA

MABABANG KAPULUNGAN

NATIONAL DISASTER COORDINATING CENTER

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT AUTHORITY

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with