^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dedikadong lider

-

KAPAG nakikita ang mga templo ng Iglesia Ni Cristo, marami ang napapahanga sa ganda ng architectural design at ganoon din sa ipinakikitang tibay at tatag. Tila ba hindi kayang buwagin ang pundasyon. At siguro, kaya ganito katibay at kata-tag ang mga templo ay dahil sa ipinakitang dedi­kasyon ng mga namumuno rito. Imposible kasing maging matatag ang isang gusali kung mahina at walang disiplina ang mga gumagawa. Kaya ganito katibay ang INC ay dahil sa ipinakitang dedikasyon ng namayapang Eraño “Ka Erdy” Manalo. Siya ang Executive Minister ng INC sa loob ng 46 na taon. Siya ang humalili sa nagtatag ng INC na si Ka Felix Manalo. Namatay si Ka Erdy sa edad na 84.

Sa mga Iglesia member, si Ka Erdy ang itinutu-ring nilang “tatay”. Kaya nga nang mapabalita ang kanyang pagpanaw, marami ang umiyak. Nawala    na ang kanilang “tatay” na matagal na panahong pina­munuan ang Iglesia. Maraming hindi makapa­niwala na namayapa na nga ang lider. Ang kasunod niyon ay ang pagsugod nang maraming miyembro sa kinaroroonan ni Ka Erdy sa Central Temple sa Com­monwealth Avenue para masilayan ang ka-ni­lang dedikadong lider.

Hindi lamang mga miyembro ng Iglesia ang nakiramay kay Ka Erdy kundi pati na rin ang mga pulitiko at kabilang dito si President Arroyo. Mula sa biyahe sa Libya ay nagtungo agad sa Central Temple para ipaabot ang pakikiramay sa mga kaa­nak ni Ka Erdy. Ang mga miyembro ng House of Representatives, mga mayor, governor, councilor ay nagpaabot ng kanilang pakikisimpatya at paki­kiramay sa mga naulila ni Ka Erdy. Iyon ang huli nilang paggalang sa lider ng Iglesia na malaki ang naitulong sa kanilang kandidatura. Hindi maita­tanggi, na kung hindi dahil sa tulong ng INC, hindi sila maluluklok sa puwesto. Hindi lamang sa Pili-pi­nas, lumaganap ang INC kundi maging sa 90 bansa.

Yumao na ang itinuturing na “tatay” ng mga mi­yembro ng INC subalit ang iniwan niyang mabu­ting pangalan, kasimplehan, pagkadisiplina ay hin-di malilimutan. Habang nakikita ang maganda, ma-tatag at matayog na mga templo ng INC ay maaa-lala ang mga nagawa ni Ka Erdy — isang matapat at dedi­­kadong lider ng kanyang kawan.

CENTRAL TEMPLE

ERDY

EXECUTIVE MINISTER

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IGLESIA NI CRISTO

INC

KA ERDY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with