^

PSN Opinyon

Ang Nice Hotel at si Mayor Abalos

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGBUKAS ang Nice Hotel sa 293 EDSA, Bgy. Highway Hills sa Mandaluyong City noong Agosto 15. Ito ay pag-aari ng mag-asawang Carlo at Betty Teh sa ilalim ng Color Group Inc., Malaki sana ang maitutulong sa administration ni Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. dahil mara­ming trabaho itong maibibigay sa mga residente roon. Subalit may nakapagsumbong sa akin, na nagbukas ng negosyo ang mag-asawang Teh na hindi man lang kinum­pleto ang mga papeles ng building tulad ng occupancy permit. Tumatanggap na ng parukyano ang Nice at mali­naw na hindi inaalintana ng Teh couple ang aksidente na maaring dumating doon tulad ng sunog at iba pa. Bago sumakit ang ulo ni Abalos, dapat paimbesti­ga­han niya ang paglabag ng Nice bago maging huli ang lahat. Ipa-revoke mo ang permit ng Nice kapag napatu­nayan mong lumabag sa batas, Mayor Abalos Sir. Pagmultahin mo ang may-ari ng bulding para hindi sila pamarisan pa ng ibang balasubas na negosyante.

Kaya ko tinatawag ang pansin ni Abalos kasi maliwa­nag pa sa sikat ng araw na wala pang kaukulang permit ang Nice mula sa Engineering office at Fire department. Ayon sa nagsumbong sa akin, nagsadya siya sa opisina ni Engr. Cris Roxas sa Mandaluyong City Hall para alamin kung me dokumento ang Nice. Nakausap niya roon ang staff ni Engr. Rolly Davila na si Manny Pangan. Sinabi ni Pangan na hindi pa bukas ang Nice dahil hindi pa nakapagbabayad ng occupancy permit. Ayaw maniwala si Pangan dahil sa araw na yun pa lang magbabayad ng partial payment ng occupancy permit ang Teh couple.

Umalis ang tipster ko at nangako kay Pangan na babalik ng 1:30 p.m. para ipakita ang official receipt na may petsang Aug. 17-18. Subalit wala na sa opisina niya si Pangan nang bumalik ang aking tipster na dala ang katibayan! Iwas pusoy si Loko.

Nagsadya na lang sa opisina ni Fire Marshall Ben Ladra para tanungin kung nag-isyu na siya ng fire safety inspection certificate sa Nice subalit tulad ni Roxas, wala rin sa kanyang office si Ladra. Muli siyang nag-antay. At sa paghihintay ke Ladra, nakausap niya ang tauhan ni Ladra na si Egay Santos ng Fire Safety and Enforcement Unit. Hindi makasagot si Santos kung bakit pinayagang magbukas ang Nice eh wala pa silang occupancy permit. Ganyan na ba ang patakaran ng liderato ni Mayor Abalos?

Kapag hindi pa kumilos ang Engineering office at Fire Department ng City Hall ng Mandaluyong laban sa Nice, tiyak me kutsabahan sila pagdating ng pagbukas nito ha-bang hindi pa kumpleto ang papeles nito, di ba mga suki?

Hala kilos na Mayor Abalos Sir. ‘wag mo nang anta-ying me madisgrasya bago mo iangat ang kamay na   bakal mo. Abangan!

ABALOS

ABALOS JR.

BETTY TEH

CITY HALL

COLOR GROUP INC

LADRA

NICE

PANGAN

TEH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with