^

PSN Opinyon

Pagkaing di' masikmura sa ospital ng 'Tala'!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

APAT na buwan na ang nakalilipas nang lumapit sa BITAG ang isang kawani ng dating Tala Leprosarium na ngayon ay Dr. Jose N. Rodriguez Hospital.

Ayon sa sumbong ng empleadong ito na itatago namin sa pangalang “Chuck”, hindi niya raw masikmura ang mga pagkaing inihahain sa mga pasyente ng nasabing ospital.

Sa una, mahirap sa amin na paniwalaan ang kanyang mga akusasyon partikular sa pamunuan ng nasabing ospital.

Nagkainteres na lamang ang BITAG nang hinamon niya kami na isagawa ang surveillance sa loob sa tulong niya para makapasok ang aming mga undercover at makita ang mga paghahanda at pagluluto sa kusina.

Dagdag dito, lalo kaming nagkainteres nang sabihin niyang nailapit niya na raw ito sa isang higanteng network sa telebisyon, isang programa na kahalintulad daw namin.

Aniya, “walang nangyari sa aking sumbong, tinu­lungan ko sila sa surveillance. At ng matapos ang lahat, mag-antay daw ako dahil gagawin daw movie special…”

Positibo ang sumbong ni “Chuck”. Sa tulong niya, nakita at naidokumento namin ang maruming pagha­handa at pagsisilbi ng pagkain.

Tiyempo naman, nakuhanan din ng aming sur­veillance video ang mga pasyenteng may ketong, nagre­reklamo sa kanilang pagkain.

Inilapit namin ito sa Department of Health, agad namang kumilos ang DOH at ipinatawag ang lahat na matataas na opisyal ng nabanggit na ospital.

Pumayag din sila na buksan ang kanilang pinto at nagpaunlak na ipakita sa BITAG ang kanilang kusina at paraan ng paghahanda ng pagkain. Nakita naming malinis na ang lahat.

Kahapon din ng hapon, dumulog sa aming tang­gapan si “Chuck”. Sa kan­yang bibig mismo nang­galing na malaki na raw ang ipinagbago ng na­sabing ospital at nagpapa­salamat ito sa mga nang­yari.

ANIYA

AYON

DAGDAG

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. JOSE N

INILAPIT

RODRIGUEZ HOSPITAL

SHY

TALA LEPROSARIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with