^

PSN Opinyon

P5,000 kada istoryang negatibo kay Gen. Rosales

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

TWO star general na si NCRPO director Chief Supt. Roberto Rosales. Nanumpa siya sa bagong ranggo noong Martes ng hapon kay PNP chief Dir. Gen. Jesus Verzosa sa Camp Crame. Natuwa ang mga alipores ni Rosales dahil napremyuhan din ang kasipagan niya. Subalit ang pagka-promote ni Rosales ay bad news naman sa mga naiinggit sa kanya. Sa pag-promote kay Rosales, ibig sabihin, ilang hakbang na lang at maka­kamtan na niya ang ambition na maging PNP chief. Ang balitang ’yan ang kumakalat sa kalye sa ngayon. Hindi ko na babanggitin ang accomplishments ni Rosales na nagtulak para siya ma-promote. Ang mahalaga, napansin ang kasipagan niya kaya nararapat lang na premyuhan siya ni President Arroyo. Congrats sa promotion mo General Rosales Sir! Kailan ang blowout?

Kasabay sa pag-promote sa kanya, naglabasan ang batikos kay Rosales ukol sa umano’y pagsisi niya kay Supt. Ernesto Fojas, hepe ng intelligence ng MPD ukol sa violent dispersal sa militant students na nag-rally sa gate 7 ng Malacañang noong nakaraang Miyerkules. Sa initial investigation kasi ni Rosales lumalabas na failure of intelligence ang dahilan kung bakit nakapasok ang militant students sa Palace grounds. Nais ipa-relieve ni Rosales si Fojas, na pasmado ang kabilang katawan dahil sa stroke, subalit namagitan si Manila Mayor Alfredo Lim. Kaya tuloy ang ligaya ni Fojas samantalang ang security ng Palasyo ay nalalagay sa alanganin.

Si Fojas ay kinasuhan ng NCRPO at ang hearing officer ay si Supt. Alex Sintin, hepe ng Novaliches police station sa Quezon City. Sa totoo lang, si Fojas lang ang hepe ng intelligence sa bansa na may kapansanan. Only in the Philippines! Hayyyy! PNP transformation ba ang tawag niyan?

Tungkol naman sa naglabasang balita sa alitan nina Rosales at Fojas, mukhang me dirty tricks department na nais hadlangan ang ambition niyang maging PNP chief. Ang balitang kumakalat sa police districts, me budget na P5,000 kada istoryang lumalabas sa mga diyaryo na negatibo kay Rosales. Kaya limpak-limpak na salapi ang ginagastos para lang pigilan ang pagtaas ni Rosales sa PNP. Subalit may kasabihan mga suki na, “You cannot put a good man down.” Kaya’t kahit ano pa ang ibato kay Rosales, kung nakaukit naman sa palad niya na maging PNP chief, sino pa ang makakapigil nito? Wala, di ba President Arroyo Ma’m?

Dahil na-promote na si Rosales, nangako siyang pag-iibayuhin pa ang pagtatrabaho para lalong maging matahimik ang Metro Manila lalo’t parating na ang “Ber” months at Kapaskuhan. Abangan!

ALEX SINTIN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

ERNESTO FOJAS

FOJAS

GENERAL ROSALES SIR

JESUS VERZOSA

KAYA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with