Bagong libro: Pampahaba ng buhay!
KAIBIGAN, may bago akong sinulat na libro na nagbibigay payo kung paano magiging malusog at mapapahaba ang ating buhay. Ang titulo ng libro ay “How To Live Longer” at mabibili sa National Bookstore.
Ang 50 artikulo sa libro ay nailathala ko sa mga diyaryong The Philippine STAR at Pilipino STAR Ngayon. Nagpapasalamat ako ng lubos kay Mr. Miguel G. Belmonte, presidente at CEO ng Philippine STAR, sa lahat ng kanyang pagtitiwala at naitulong sa akin.
Heto ang ilan sa mga payong mababasa ninyo sa libro. Tips para humaba ang buhay:
l Mag-relax – Magbawas ng stress sa buhay.
l Suriin ang iyong vitamins at supplements – Ang pinakamagandang supplement ay ang Omega-3 fish oil.
l Magdasal.
l Magpabakuna –May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangkaso, at iba pa.
l Umiwas sa alak –Masama po ang alak kapag sobra sa kalahating basong wine o isang shot ng hard drinks. Nakasisira ito sa ating ugat, utak at atay.
l Magpatingin sa magaling na doktor.
l Mag-ehersisyo.
l Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.
l Mag-isip ng positibo (positive thinking) – Huwag mawawalan ng pag-asa.
l Tumulong sa kapwa.
l Umiwas sa bisyo at peligro.
l Mag-ipon ng pera.
l Kumain ng prutas.
l Kumain ng matatabang isda – Ang pinakamasustansyang isda ay iyung mataas sa Omega-3 fish oil. Ito ay matatagpuan sa sardines, tuna, salmon at mackerel.
l Kumain ng maberdeng gulay.
l Magpapayat – Alamin ang iyong tamang timbang at piliting maabot ito.
l Uminom ng Aspirin kung kailangan – Kailangan ang aspirin ng mga pasyenteng may diabetes, may sakit sa puso, mataas ang kolesterol at sa mga na-istrok.
l Uminom ng gamot sa altapresyon – Alam n’yo ba na kapag napababa natin ang iyong blood pressure sa normal, ay hahaba ang iyong buhay ng 9 na taon?
l Uminom ng gamot sa diabetes – Kailangan mong mapababa ang iyong fasting blood sugar sa 100 mg/dl o mas mababa pa.
l Harapin ang sakit.
l Itigil ang sigarilyo.
Para sa karagdagang paliwanag at payo, magbasa ng librong “How To Live Longer”. Sana po makatulong itong libro sa inyong kalusugan. Good luck!
- Latest
- Trending