MARAMI ang naghahangad mapabilang sa industriya ng media dahil marami ang nag-aakala na makapangyarihan at maimpluwensiya ang sinumang mapabilang dito.
Ang pagnanais na ito ng bawat simpleng mamama-yan ang kinakasangkapan ng ilang oportunista nating kababayan para pagkakitaan o para magpakilala.
Kadarating lamang ng unang grupo ng BITAG mula sa Vallejo City California, ang huling siyudad na binisita ng BITAG sa Estados Unidos para sa isang anniversary special episode.
Nakaabot sa aming kaalaman bago pa man kami dumating sa Maynila na kaliwa’t kanan, likod-harap ang impormasyong natatanggap ng aming tanggapan hing-gil sa mga nagpapakilalang media men raw at mga raket nito.
Nagbebenta ng mga identification card o I.D., na may tatak na media o press. Ang nakakatawa rito, kahit sino, puwedeng bumili, ultimo basurero basta’t may pamba-yad, instant media practitioner ka na.
Ang siste, nakalagay na designation o posisyon ng sinumang bibili ng mga media I.D na ito, reporter, contributor o coordinator pa.
Ang sumatotal, ang mga media i.d na ito ay nagagamit sa mga panlalamang at panlilinlang.
Isa na rito ay paglusot sa mga batas trapiko, pangongotong o solicitation sa mga negosyante at higit sa lahat, para makadiskuwento o makalibre sa mga pampubli- kong sasakyan at iba pang service establishments.
Ang nakakalungkot dito, ang nasa likod ng mga bentahan ng mga media i.d kuno na ito ay yung ibang kapatid namin sa media na kung tutuusin hao shao ang kanilang pagka-media dahil never heard naman sila.
Tukoy na ng BITAG kung sino ang mga ito na bumabastardo sa aming propesyon at sisimulan na lamang namin ang trabaho.
Maging ang mga abusadong nagpapanggap na media na nakakuha la-mang ng I.D dahil sa pagbabayad at hindi naman talaga kasama sa industriya, mahuhulog na rin sa BITAG.
Abangan!