^

PSN Opinyon

Tapusin na ang kalupitan ni SPO4 Isidro Calubiran

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGTATANONG ang mga pulis sa Police Regional Office 6 (PRO6) kung me conflict of interest itong pagkapulis ni SPO4 Isidro “Pokpok” Calubiran sa kanyang lending business. Si Calubiran ay finance officer ng Regional Mobile Group (RMG) ng PRO6 na nakabase sa Hinigaran, Negros Occidental. Maraming reklamo ang mga taga-RMG pati na ang iba pang pulis dahil sa mga kaltas sa kanilang tseke kaya nais nila itong paimbestigahan sa Finance Center ng PNP sa Camp Crame. Sa sobrang tagal na ni Calubiran bilang finance officer ng RMG, nakapagpatayo na ito nang malaking bahay sa Ungka, Pavia, Iloilo, bumili ng kotse at mga mamahaling alahas. At ang source na itinuturo ni Calu­biran at asawa niya ay ang kanilang lending business. Baka naiinggit lang ang mga nagrereklamo sa tinata­masang grasya ni Calubiran. Ano sa tingin n’yo mga suki?

Bilang finance officer ng RMG, ang trabaho ni Calu­biran ay ang pag-disburse ng mga tseke ng suweldo at cash benefits ng mga pulis. Subalit, ayon sa reklamo ni Joselito Mendoza, hindi ginagampanan ni Calubiran ang kanyang trabaho dahil abala ito sa kanyang lending business. Palagi rin daw itong makikita sa stall ng kanyang asawa sa Central market sa Iloilo City. Kaya ang pana­langin ng mga nagre­reklamo, dapat ipasailalim sa lifestyle check si Calubiran. ‘Yan ay para rin malinis niya ang kanyang pangalan sa mga reklamo sa kanya.

Ganito pala ang sistema ni Calubiran, ayon sa mga nagre­reklamong pulis. Kahit hindi raw nila iniendorso, ang kanilang tseke ay binabawasan ni Calubiran ito sa kada­hilanang may kung anu-anong contribution silang baba­yaran. Kung umutang man sila ke Calubiran, ang interes ay halos 20 per- cent kada buwan at halos pantay na sa 5-6 ng Bombay. At kahit bayad na sila sa kanilang utang, sasabihin ni Calubiran na mayroon pa silang balanse. Ano ba ‘yan?

Karamihan naman sa mga bagong recruit ng RMG, ay luma­lapit ke Calubiran kapag me pangangailangan sila sa kanilang training. Dahil sa kanilang utang, kadalasan ang natatanggap ng mga trainees ay cash na at hindi tseke. Delay din umano ang kanilang hazardous pay at kung minsan hindi na ibinibigay ang kanilang Productivity Incentive Bonus. Kung minsan me bawas na ang perang ibinibigay sa kanila at ang rason ni Calubiran eh me kinolektang contribution ang kanilang commander officer na hindi naman totoo. Ngeeek!

Nais ng grupo ni Mendoza na mapahinto na ang kalupitan ni Calubiran sa kanila. Kaya dapat itong imbestigahan dahil malinaw na paglabag ito ng Code of Ethical Conduct at maging ng corrupt practices act. Kung gusto naman niyang ipagpatuloy ang kanyang lending business, dapat umalis na siya sa serbisyo at atupagin na lamang ito. Puwede, di ba mga suki?

Dapat nang kumilos si PRO6 director Chief Supt. Isagani Cuevas para matapos na ang pagpapahirap ni Calubiran sa kapulisan sa Western Visayas. ‘Yan ay kung hindi siya naam­bunan ni Calubiran sa kanyang raket. Abangan!

vuukle comment

ANO

CALU

CALUBIRAN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CODE OF ETHICAL CONDUCT

FINANCE CENTER

KANILANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with