Mga Filipino-American Cops sa Vallejo City, California

HULING araw na ng BITAG ngayon sa Vallejo City, California U.S.A at naisakatuparan na ng unang grupo ang matagumpay na ride along sa mga police patrol vehicle ng Vallejo Police Department.

Iba-ibang eksena at aktuwal na pangyayari ang aming naido­ kumento, walang script at pawang mga pangyaya­ring katoto­hanan sa mga responde ng Vallejo Police. 

Gayundin, naging makabuluhan ang bawat minute at oras na inilagi ng BITAG sa Northern California upang maidokumento at saksihan on action ang mga Filipino-American cops.

Matagumpay na ring naidokumento ang tinatawag na Megan’s Law na mahigpit na ipinatutupad ng Vallejo Police Department laban sa mga tinatawag na sex offenders sa kanilang siyudad.

Bawat nasampahan ng kaso at reklamo na may kina­laman sa paglabag sa Megan’s Law, mapa-lokal man nilang residente, dayuhan man, at anumang lahi, habam­buhay nang nasa record ng departamento.

Dahil sa higpit ng kanilang batas, kinakailangang magpa­rehistro mula buwan-buwan hanggang taun-taong proseso ng isang sex offender o tinatawag na registrant upang sigura­duhing hindi na gagawa ng kalokohan ang dating inireklamo.

Isang malaking pagkakataon rin ang biyaheng ito ng    BITAG na makita ang mga paraan at kagamitan ng Vallejo Police Department sa paglaban sa mga krimen sa lugar.

Maging ang hamon ng mga Vallejo Police sa mga gangs sa kanilang siyudad na naging epektibo upang unti-unting pagka­wala ng mga grupo sa Vallejo.

Saksi kami, sa magan­dang relasyon at mataas na pag­galang sa mga pulis ng Valle­jo City, California kung saan ma­raming Filipino-American cops na kabahagi nito.

Nais lamang magpasa­lamat ng BITAG sa espas­yong ito sa mga tumu-long at sumuporta sa anniversary special na ito ng aming pro­grama na mapa­panood sa telebisyon sa mga      su­sunod na buwan.

Show comments