^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panahon na nga bang mawala ang jeepney?

-

Ipinahiwatig kahapon ni Land Transportation, Franchising and Regulatory Board Chairman  Albert Suansing na ganap nang ipagbabawal sa Enero ng susunod na taon sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue sa Metro Manila ang mga pampa­saherong jeepney. Inaasahan na kasing, sa buwang iyon, kunektado na sa isa’t isa ang Light Rail Transit 1 na bumabagtas sa Taft Avenue at Rizal Avenue sa rutang Baclaran-Monumento at ang Metro Rail Transit 3 na bumabagtas naman sa EDSA sa rutang Pasay City-Quezon City.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na naung­kat ang usapin ng mga pampasaherong jeepney  na nais ipagbawal hindi lang sa EDSA kundi sa iba pang mga lansangan sa buong bansa. Matagal na itong pinagdedebatihan ng mga opisyal ng gob- yerno at iba’t ibang sektor. Isa sa idinadahilan sa panukalang ito ang umano’y abuso ng ilang jeep-ney driver o ang pang-aabala ng mga ito sa daloy ng trapiko. 

Kung mawawala ang mga jeepney, saan kukuha ng kabuhayan ang mga driver nito? Saan sila magha­hagilap ng ipapakain sa kanilang mga pamil­ya? Madadagdag lang sila sa milyun-milyong Pili­pinong walang trabaho.

Bukod dito, ang jeepney ang sasakyang inaasa­han ng mga Pilipinong walang kakayahang bumili ng kotse o sumakay sa taxi para makarating sila sa kanilang destinasyon.

Pero, habang nagsisikap ang ating bansa na umunlad, unti-unti rin nitong natitikman ang mga makabagong uri ng transportasyon tulad nga ng MRT at LRT na mas maraming pasahero ang na­isasakay at nakakatulong sa pag-ibsan ng trapiko sa kalak­hang Maynila. Ito ang isang uri ng sinasabi sa ingles na mass transportation na isa ngang solusyon sa pagsisikip ng trapiko bukod sa tipid pa ito sa gas.

Dahil nga sa mga kumplikasyon sa pagbabawal sa mga pampasaherong jeepney, dapat ding isa­alang-alang ang karapatan ng mga driver na mabu­hay. Sana ay mabigyan sila ng alternatibong kabu- ha­yan kung sakaling ganap nang igagarahe ang kani­lang sasakyan. Bukod dito, hindi lahat ng pasahero ay nangangailangan ng LRT at MRT sa kanilang pupuntahan. Limitado lang ang ruta nito. Hindi na-pa­pasok ng mga ito ang mga maliliit na kalsada.  

ALBERT SUANSING

BUKOD

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD CHAIRMAN

LAND TRANSPORTATION

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with