Pagpapaunlad ng 'Human Capital' ng bansa
ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Over- sight Committee on Labor and Employment, ay matagal nang nananawagan sa pamahalaan na mag-invest sa mamamayan. Kailangan kasi aniyang mapaunlad ang “human capital” bilang pinakamahalaga at pinakaproduktibong kayamanan ng bansa.
Ito aniya ay maisasagawa sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na pondo at mga programa sa edukasyon, skills training, kalusugan at iba pang magpapataas ng kalidad at global competitiveness ng mga Pilipinong manggagawa na pangunahing magsusulong ng pro- greso ng bansa.
Ang pormula ni Jinggoy para sa pagsulong ng kaunlaran ng bansa ay pinagtibay ng Asian Institute of Management (AIM) Policy Center sa pangunguna ng executive director nito na si Federico Macaranas.
Sa isinagawa ng AIM na “World Competitiveness Yearbook” kasama ang International Institute for Management Development ay napansin ang pangungulelat ng Pilipinas sa mga programa para sa kaalaman at kasanayan ng mga mamamayan nito sa mga demand ng kasalukuyang panahon laluna sa mga makabagong industriya sa mundo. Partikular na binigyang-diin sa yearbook ang pangangailangang buhusan ng pamahalaan ng pondo at programa ang mga scientific at technological na edu- kasyon tulad ng science, mathematics at engineering.
Base pa rin sa mungkahi ni Jinggoy, ang ibibigay na edukasyon at kasanayan sa ating mga kababayan sa ganitong larangan ay kailangang nakaagapay sa international standards at isinasailalim sa continuous research and updating upang maging globally competitive ang mga manggagawang Pinoy.
Panahon na para bigyan ng pamahalaan ng ganitong sapat na pamumuhunan ang mamamayan lalo ang mga manggagawa.
Sa mga gustong lumi-ham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala ito sa kan yang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philip-pines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.
- Latest
- Trending

















