^

PSN Opinyon

UP vs. ADMU, bilog ang bola

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINIYA ng University of the Philippines Maroons ang Ateneo the other day ng lamangan nila ang huli ng 10 points sa isang history war sa basketball.

Akala kasi ng taga - Ateneo ay kayang-kaya nila ang UP Maroons kaya naman ng ilampaso sila ng huli ay halos mangiyak-ngiyak sila sa inis.

Sabi nga, hindi nila matanggap!

Ang pagkakamali ng Ateneo hindi nila naisip na bilog ang bola akala yata nila lapad ang kanilang dini-dribble. Hehehe!

Tatlong sunod na talo kasi ang nalasap ng UP Maroons sa kanilang nakaraan laban kaya naman ang akala ng mga taga-Ateneo ay bopol sila sa larong basketball.

Ang masama akala nila natsambahan sila ng UP Maroons.

Sabi nga, nagpa-dehado lang!

Parang ‘championship game’ ang laro last Sunday afternoon ng UP Maroons at Ateneo hindi mapigilan ang mga fan nila na magtilian at siempre mag-kantiyawan.

Ika nga, bakbakan umaatikabo!

Kaya naman ng matapos ang basketball 10 points ang lamang ng Maroon versus Blue Eagles.

Para sa UP Maroons, keep up the good basketball at para sa Ateneo mag-praktis kayong mabuti. Hehehe!

PASG vs. OMB sa replicating machines

PINAIIMBESTIGAHAN ni PASG bossing Bebot Villar Jr., ang kanyang mga tauhan tungkol sa pagkawala ng hinuling P60 million worth of replicating machines na sinasabing pag-aari ng isang Ahok, kamag-anak ng isang mataas na opisyal sa government of the Republic of the Philippines.

Duda kasi si Bebot na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga hita este mali ng PASG at OMB na pinaghaharian ni Chairman Edu Manzano.

May mga balita kasing tinira ang nasabing hinuling replicating machines ng mga bugok sa gobierno kapalit ng malaking halaga ng pitsa.

Sabi nga, P20 million.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nag-ugat ang awayan ng PASG versus OMB ng magturuan ang dalawang ahensiya regarding sa pagkawala ng mamahaling makina.

Hindi biro ang nasabing makina porke daan libong pirated DVD ang nagagawa nito everyday.

Kaya naman malaking pera ang involved at marami ang pumapatong,

‘Ano na kaya ang nangyari sa nasabing makina?’ Tanong ng kuwagong nabukulan.

‘Paano ang si Ahok ang may-ari nito?’

‘Kinasuhan ba ang may-ari ng replicating machines?’ Tanong ng kuwagong namaso ang ulo.

‘Paano kakasuhan wala naman evidence.’

Sabi nga, nawawala ang makina hindi ba!

‘Ano ngayon ang dapat gawin sa mga ito?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Hayaan mo silang maimbestigahan para malaman o lumabas ang katotohanan.’

‘Iyan kamote ang hintayin natin.’

Abangan.


AHOK

ANO

ATENEO

BEBOT VILLAR JR.

BLUE EAGLES

CHAIRMAN EDU MANZANO

LSQUO

SABI

TANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with