KAYO ba’y nakakakita ng mga eksena sa kalsada kung saan nagwawala sa iyak ang bata habang inaawat o kalong ng isang babae? Maging alerto, baka ang nasa harapan niyo ay batang biktima ng tinatawag na child snatching.
Mapanlinlang ang imahe ng isang may edad ng babae, maaari itong magpanggap na anak niya ang kanyang dala-dala para hindi mapansin ng iba ang katatapos lamang na krimen na kanyang ginawa, ang magnakaw ng bata.
Ayon nga sa isang crime expert na si Col. Nelson Yabut, hindi kuwestiyonable sa ibang tao kung babae ang gagamitin ng sindikato dahil makita lamang itong kalong ang bata ay iisiping mag-ina lamang ito.
Ito ang umuusbong na modus sa panahon ngayon na nakita ng BITAG subalit nakakalungkot isipin na ang child snatching, sa kabila ng dumaraming kaso nito ay napapabilang lamang sa mga kaso ng nawawalang bata.
Kung sa mga missing person ay paglalayas, pagkaligaw, o pagkahiwalay sa mga nangangalaga nito ang dahilan ng pagkawala, hindi malinaw ang motibo ng sindikato kung ano ang dahilan ng kanilang krimen sa child snatching.
Maari raw ibenta ang mga batang nananakaw sa mag-asawang hindi magkaanak o di naman kaya ay kinukuha ang mga internal organs nito na ibinebenta naman sa mga nangangailangang pasyente.
Sa ibang bansa, aktibo at spesipiko ang grupo o task force na tumututok sa child snatching. Magmula sa pagkawala ng bata, pagtunton kung paano ito nawala at pagkahanap sa paslit, iniimbestigahang maigi.
Meron naman raw dito sa ating bansa na otoridad pagdating sa mga ganitong kaso, ang Women’s Desk o Women and Children Protection at maging ang Department of Social Welfare and Development.
Subalit ayon na rin kay Col. Yabut, iba lamang ang approach o prosesong isinasagawa ng ating otori- dad. Kumbaga, kung sa ibang bansa, spesipiko at nakatutok ang task force na ito, sa ating bansa, multi-tasking raw ang estilo. Dahil ang mga ahensiya o otoridad na siyang may kapangyarihan dito, humahawak rin ng mga kasong pang-aabuso, violence, atbp para sa kapakanan ng kababaihan at kabataan.
Kaya naman pala hindi nabibigyan ng pansin ang kaso ng pagnanakaw o pandurukot ng mga paslit at bata, dahil alam ng sindikato hindi madaling masosolusyunan ito dito sa ating bansa.
Wala kasing nakatutok, mahahanap lamang ang nawawalang bata kapag nanawagan na ang magu- lang at may concerned citizen na nakakita na rito, kung makikita pa nga ba ang mga ito. Tsk tsk tsk