Happy 95th anniversary sa Iglesia ni Cristo
KAMI ni Presidente Erap at panganay naming anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay bumabati sa Iglesia ni Cristo (INC) sa pagdiriwang ng kanilang 95th founding anniversary sa Hulyo 27, 2009.
Ang okasyong ito ay napakagandang pagkakataon para muling sariwain ang simpleng pagsisimula ng INC, ipagbunyi ang matagumpay na paglago, at bigyang-halaga ang mga kontribusyon sa ating buhay at lipunan.
Ang INC, mula sa pagkakatatag noong 1914 ni Ka Felix Y. Manalo, at sa pamumuno ngayon ni Executive Minister Ka Eraño G. Manalo at Deputy Executive Minister Ka Eduardo V. Manalo, ay tuloy-tuloy na nagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa ating bansa at buong mundo.
Sa pamamagitan ng turo at gawa ay nahipo ng INC ang puso ng milyong tao sa buong daigdig. Nadireksyunan sila sa kanilang spiritual development and maturity kaalinsabay ng pagpapalaganap ng pangkapatirang pagmamahalan ng sangkatauhan. Ang INC ay patuloy na nagbibigay ng suporta sa bansa hinggil sa pagtugon sa mga usaping panlipunan.
Ang INC ay tunay na nagsilbing isang matibay na pundasyon sa “spiritual and social growth” ng sambayanang Pilipino. Naniniwala ako na magpapatuloy ang INC sa ganitong mabuting hakbangin, alinsunod sa bisyon ni Ka Felix Y. Manalo.
Ang pamilya Estrada ay taos-pusong bumabati at nakikiisa sa lahat ng mga opisyal at miyembro ng INC. Mabuhay!
- Latest
- Trending