^

PSN Opinyon

'Lodging', 'panigarilyo': ransom pa rin 'yun

SAPOL - Jarius Bondoc -

Doble ang pagkakamali. Hindi nag-iisip si Sulu Vice Gov. Lady Ann Sahidulla nang abutan ng P150,000 na “pani­garilyo” ang mga Abu Sayyaf na nagpalaya sa kanya ng Italyanong bihag nitong nakaraang linggo. At hindi rin nag-iisip si Malacañang deputy spokesman Gary Olivar nang, sa tuwa sa balita, ay nagsabing tama ang ginawa ni Sahidulla dahil pinalaya naman ng mga arma­dong kidnapper ang dayuhan.

’Yang kababawan ng isip ng mga opisyales sa lokal at nasyonal ang rason kung bakit namamayagpag ang mga teroristang Abu Sayyaf. Hindi dapat binibigyan ni isang kusing o butil ng bigas ang mga mamamatay-tao ng Abu Sayyaf. Kasi, bawat pera o pagkain na ipagkaloob sa kanila ay magagamit nilang pambili ng armas at pam­pa­ sigla para sa susunod na kilos-terorista. Dapat pagka­itan sila ng anumang ikalalakas ng puwersa: Tulog at pa­hinga, kubo at taguan, baril at pagkain. Sa gan’ung paraan, mapipilitan silang sumuko upang harapin ang sapin-sapin na kaso ng pamumugot ng mga pari at bihag, paghihiwa ng dibdib ng mga babaing guro, at pangga­gahasa ng mga bata. Kung hindi man, mapipilitan silang magpakamatay, para sa impiyerno mabatid na ang ina­asam-asam na pitumpu’t pitong birhen ay mga demonya pala.

Malaon nang binabayaran ng mga opisyales ang Abu Sayyaf ng ransom. Iba-iba nga lang ang tawag. Kung minsan, “board and lodging,” o kaya ay “economic and livelihood assistance.” Pero anuman ang itawag nila, ransom pa rin ‘yon — bawal na bunga ng krimen na kidnapping.               Biruin mo, may gana pa silang maningil ng ipina­kain at tinulu­gan ng mga bihag na sapilitan nilang kinuha mula sa bahay o trabaho. O kaya, may gana pa silang magsabi na kaya sila nangki-kidnap for ransom ay dahil wala silang ibang ikina­bu­ buhay. At ang mga mahi­hinang-utak naman sa gob­yerno ay nag­bibigay nga ng “board and lodging,” umaabot sa P5 milyon kada bihag kada buwan. At binigyan pa ng lupa, binhi, baka at kam­bing ang isang kumander, na dapat ay lason ang ipinag­kaloob.

Isa lang ang tamang gawin sa Abu Sayyaf: Lipulin na sila.


ABU SAYYAF

BIRUIN

DAPAT

GARY OLIVAR

ISA

LADY ANN SAHIDULLA

SHY

SULU VICE GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with