P15.00 karagdagan singil sa tubig
NIYARI muli ang madlang people sa Philippines my Philippines dahil sa P15.00 itinaas ng singil sa H2O este mali tubig pala kada litro kasi sumingaw ang alingasngas regarding daw sa ‘secret midnight deal’ inside the office of Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Doble trouble ang madlang people sa Metro-Manila at kalapati este mali kalapit-bayan pala kasi may mas malaking problema ngayon nadiskubre sa dobleng singil sa tubig matapos pumasok sa joint venture ang MWSS sa construction ng isang dam sa Tanay, Rizal, partikular ang Laiban Dam construction.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon ng secret negotiation tungkol sa Laiban Dam water supply project, lalo na ang kontrobersiyal na construction ng dam sa Tanay Rizal, $2 billion worth lang naman ang project kahit naunang tinanggihan ni two hundred ka dito este mali dating NEDA director general Romulo Neri ang pag-apruba sa proyekto bunga ng kawalan ng public bidding.
Maliban sa posibleng pagtaas ng singil sa tubig kada litro na nagkakahalaga ng P45.00 mula sa P30.00 water rate ng dalawang water concessionaires ngayon, humigit-kumulang 4 thousand families ang mawawalan ng tirahan sa bagong water supply project na hawak ngayon ng San Miguel Bulk Water Corporation.
Anumang araw i-aanunsiyo ni MWSS administrator Diosdado Allado ang pagka-apruba sa Laiban Dam water supply project sa Tanay Rizal na magsisimulang tumambling este mali pasanin ng madlang people ang pagbabayad sa 2016 sa kabila ng kontrobersiyang nilikha sa konstruksyon ng luxury houses ng mga opisyal at top executives sa La Mesa watershed area.
Posible umanong maharap sa kasong plunder si Allado, dating General Counsel of PAGCOR, matapos i-award ang Laiban Dam project sa San Miguel Bulk Water Corp dahil sa kawalan ng public bidding at deklaradong ilegal ang ginawa ng MWSS official, alinsunod sa Build Operate Transfer (BOT) Law.
Sa ilalim ng kasunduan o kontrata, nagkakahalaga ng P15.5 bilion kada taon ang babayaran ng gobyerno sa San Miguel Bulk Water Corporation, malinaw ang P400 billion kinita ng kumpanya sa loob ng 25-taon magiging pag-aari panghabang-buhay ang Laiban Dam project dahil renewable ang kontrata.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,“Under this deal, the Laiban dam project now owned by MWSS, becomes the property of San Miguel Bulk Water Corp forever, and will become the monopoly supplier to MWSS.”
Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkakahalaga lamang ng $1 billion ang water supply project sa nagdaang ilang taon kaya ikinagulat ang pag-akyat sa $2 bilion, mas malaki ng apat (4) na beses ang kontrata sa NBN-ZTE scandal.
Sa ilalim ng Build-Operate-Transfer Law, lahat ng government priorities, ay kailangan dumaan sa public bidding o bukas sa public para maiwasan ang ‘aregluhan’ at magikan sa pagsubasta ito daw ay dehins ginawa sa MWSS sa ilalim ng palda este mali pamumuno pala ni Allado.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ika nga, lagot kayo kapag nagkataon.
May kabuuang 1900 million litro kada araw ang ipinangakong water supply ng San Miguel Bulk Water Corporation at automatic na papasanin ng public ang pagbabayad kahit walang tulo ang mga gripo.
Kaparis ito sa nangyari sa independent power producers sa kasagsagan ng power crisis noong 1992 na nagresulta sa mataas na singil sa kuryente. Ano kaya ang masasabi dito ni tabako?
Isa sa pinakamasamang senaryo ang pagbili sa untreated water mula sa proponent kasi may cost ito ng P18 per cubic meter, mas mataas ang presyo kumpara sa sinisingil ng dalawang (2) water concessionaires. Ang Manila Waters at Maynilad.
May possibility na malugi ang MWSS at inilagay sa financial risk ang multi-billion dollar project bilang project lenders at investors dahil babayaran ang kumpanyang nakakuha sa proyekto kahit palpak ang operasyon at walang mai-deliver na tubig sa bawat tahanan.
Sabi nga, problema ang service?
Sangdamakmak ang nag-e-esep-esep kung why pinili ng MWSS ang Laiban water supply project sa Tanay Rizal gayong napakaraming potential sources o mapagkukunan ng de-kalidad na tubig sa mababang halaga pa.
Naku ha!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Kini-question din ang conflict of interest at paglabag sa policy ng government of the Republic of the Philippines ng MWSS dahil nangangailangan ng isang regulatory authority ang agency matapos maisa-pribado ito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ay kaparis nang ginawa sa apat na water projects na pinondohan ng Asian Development Bank (ADB), kinabibilangan ng Wawa reservoir, Laguna Lake, Angat rehabilitation at Sierra Madre.
Aabangan ng Chief Kuwago ang sagot ng ahensiyang pinag-uusapan natin.
Sabi nga, hihintayin!
- Latest
- Trending