^

PSN Opinyon

Di puwede ang amnestiya

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Dahil na rin sa pagpapatawad umano ni Eu­ge­nio Vagni sa mga Abu Sayyaf na kumidnap sa kanya, may mga sektor na hinihikayat ang gob­yerno na bigyan ng amnestiya ang nasabing grupo. Iba ang damdamin ni Vagni, iba ang dam­damin ng gobyerno, pati na ang bayan. Marami ring sektor ang nagsa­ sabing huwag bigyan ng amnestiya, kundi tapusin na ang mga terorista. Dahil sila’y nabansagang terorista, hindi na sila karapat-dapat bigyan ng amnes­tiya. Sa aking palagay ay hindi na sila manunumbalik sa lipu­nang may batas at takot sa Diyos. Matitindi ang kara­hasan na ginawa ng Abu Sayyaf sa Minda­nao. Na­kalimutan na ba ang pagpugot sa Marines na tinam­bangan sa Basilan? Hindi ito isang grupo na pinag­ lalaban ang karapatan, kundi mga kriminal!

Lalong hindi ako naniniwala na isusuko na lang nila ang kanilang mga armas, dahil ito lang naman ang nagbibigay ng kapangyarihan sa kanila. Ilang taon silang hindi sumusunod sa batas ng bansa at ginagawa na lang ang anu­mang gusto nila sa rehi­yon. Sanay sila sa buhay na sila ang kinakatakutan at sila ang mistulang hari ng lalawigan. Kaya ang pagsusuko ng mga armas nila ay siguradong malayo sa kanilang mga isipan. Bigyan man sila ng amnestiya ay hindi rin magbabago ang mga ugali ng mga ito na nakaukit na sa pag-iisip nila.

Lumalabas pa na hindi kayang pulbusin ang Say­yaf kaya amnestiya na lang ang solusyon! At kapag nangyari iyan, kung sinu-sino pang mga grupong gustong gayahin ang Sayyaf ang mag­lalabasan na rin dahil alam na mahina ang gob­yer­no at militar! May ulat pang lumabas na nagku­kulang na sa bala ang militar! Ano ba naman yan! Usaping amnestiya kasabay ang ulat na wala nang bala? Kaya naman malakas ang Sayyaf pumalag sa gob­yernong ito! Wala sa lugar at panahon ang usaping amnestiya para sa Sayyaf. At sigurado ako na may gagawin na naman ang mga kriminal na ito para matigil ang mga panuka­lang ganyan. Pero kahit hindi sundalo pa ang tatanungin, kailangan ng bala ng hukbo para maka­laban sa digmaan! Unahin na muna siguro yun, bago magsalita ng giyera.


ABU SAYYAF

AMNESTIYA

DAHIL

KAYA

SAYYAF

SHY

SILA

VAGNI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with