MATINDI ang underground poker dyan sa Metallica, sa Kyusi dahil lihim daw itong nagsasagawa ng illegal gambling kasi nga walang permiso ito sa pamahalaan ng Quezon City at maging sa police on the block.
Totoo kaya ang sugalan blues sa Metallica?
Naku ha!
Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kumikita daw ang underground poker ng P200,000 a night dahil sa dami at lakas ng tayaan blues todits.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas malakas pa daw ang kita ng poker game sa Metallica kaysa sa mga tsiking-king na naghuhubad dito at pumapasok sa mga VIP rooms para magpakang-kang. Hehehe!
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Siguro panahon na para tingnan ng PNP-CIDG or ng NBI ang Metallica para sila mismo ang makapag-sabi kung totoong may sugalan blues todits.
Abangan.
Cotabato City, mapanganib
NATUTULOG siguro ang mga authorities sa Cotabato City today dahil sa dami ng krimen nangyayari todits ngayon.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-umpisa ang krimen sa snatching, hold-ups, kidnapping at ngayon ay bombing na!
Bakit nangyayari ito ngayon sa nasabing province?
Sagot - itanong sa mga autoridad na pakaang-kaang.
Kailangan pa bang may mag-buwisit este mali magbuwis pala ng buhay para marinig ang iyak ng Cotabato City o ang sigaw ng madlang people todits na ‘mapanganib’ ang aming probinsiya.
Siguro panahon na para malaman ng government of the Republic of the Philippines na hindi biro ang kaguluhan niyayari este mali nangyayari pala sa Cotabato City at kailangan itong mabigyan ng solution sa lalong madaling panahon.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na huwag ng hintayin pa ng gobiernong tutulug-tulog ang mangamatay ang mga innocent people dito.
Ika nga, aksyunan agad.
Abangan.
NOGROCOMA, read this!
SUMULAT sa mga kuwago ng ORA MISMO, sa wikang ingles ang isang Dante M. Balbas, para humingi ng tulong upang maayos ang problema niya at ng NOGROCOMA.
Dear Mr. Butch M. Quejada,
I am writing to you seeking your assistance for the possibility of collecting the overdue account of NOGROCOMA amounting to P397,280. The account represents NOGROCOMA’s purchase of Granex 429, an onion variety purchased from Century Agribio Corporation now ARGOSEED Traders Inc., last November 1999.
NOGROCOMA is represented by Mrs. Dulce Gozon as president, a member of the Philippine Seed Industry Association (PSIA).
‘Humihingi ang Chief Kuwago ng paumanhin kapos ang kolum natin’
Abangan.