^

PSN Opinyon

Maraming tagahanga si Michael Jackson

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NAGULANTANG ang mundo sa pagkamatay ni Michael Jackson. Marami ang nalungkot at nagluksa. Akala mo, namatayan sila ng isa sa mga malalapit na kamag-anak. Para sa akin, si Jackson ay magaling na entertainer, singer, dancer, composer at performer.

Akala ko, nasira na ang pangalan ni Jackson dahil sa hindi magagandang bagay na kinasangkutan niya katulad ng kaso ng droga, pagmomolestiya ng mga batang lalaki at iba pang nakasisira sa imahe.

Subalit, nabaliktad ang pangyayari nang mapabalita ang pagkamatay nito. Dumagsa ang mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo para masilayan ang bangkay ni Jackson. Naging malaking problema ng pamilya at pulisya kung papaano maiiwasan ang pagkakagulo ng mga tao.

Lalong nagkagulo ang mga tagahanga ni Jackson nang ibalita na magkakaroon ng memorial rites sa   Staples Center sa Los Angeles, California. Malalaking pangalan sa industriya ng musika at showbiz ang magpe-perform at magsasalita para parangalan si Jackson. Maraming nanghinayang dahil hindi sila nakapanood sapagkat hindi sila nakabili ng tiket. Madaling naubos.

Saludo ako sa dami ng humahanga at umiidolo kay Jackson. Isa ako sa mga masusugid na tagahanga ni Jackson. May karapatan siyang tawaging Total Enter-tainer of All Times.

vuukle comment

ALL TIMES

DUMAGSA

ISA

JACKSON

LALONG

LOS ANGELES

MADALING

MICHAEL JACKSON

STAPLES CENTER

TOTAL ENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with