^

PSN Opinyon

Ayos ka Supt. Thor Cuyos! Walang galang lang po, Lt. Sanggalang?

DURIAN SHAKE -

HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis-alis ni Maj. Gen. Rey­naldo Mapagu, ang commander ng 10th Infantry Division, ang kan­yang inis kay 1st Lt. Heriberto Sanggalang, isang opisyal ng 72nd Infantry Battalion na nakabase sa Mawab, Compostela Valley at miyembro ng Philippine Military Academy Class 2002.

Pati si Armed Forces Eastern Mindanao Command (East­min­com) chief Lt. Gen. Raymundo Ferrer ay galit na galit din sa nangyari na tinawag niyang ‘kataranta­du­han’ ng isang junior officer na gaya ni Sanggalang.

Maging ang lahat ng military officials na nakausap ko ay tala­ gang kinundina ang hindi kanais-nais na aksyon ni Sanggalang noong Martes ng umaga nang pinilit niyang kunin ang bangkay ng kanyang enlisted personnel na si Cpl. Arnold Toriano na nama­tay sa isang barilan sa bayan ng Sto. Tomas, Davao del Norte.

Sinabi nga nina Ferrer, Mapagu at ng ibang military officials na gumuho ang lahat ng ipinundar ng AFP sa laban nila insurgency sa Southern Mindanao dahil lang sa misdemeanor at conduct unbecoming of an official ni Sanggalang. Nakakahiya talaga, ayon sa kanila.

Galit silang lahat kay Sanggalang.

At lahat din silang mga military officials ay nagkaisa na si Sang­galang ay dapat-‘should suffer the consequence of his action for vio­lating the standing rules of engagement’. Dapat harapin ni Sanggalang ang criminal at administrative liability at culpability ng kanyang mga aksyon ng araw na iyon.

Hayon at ni-relieve agad ni Mapagu si Sanggalang at damay pa nga ang kanyang battalion commander na si Col. Victor Tan dahil sa command responsibility. Nai-file na rin ang mga kaso sa Provincial Prosecutors Office ang mga criminal cases against Sanggalang at ang sampung ibang sundalo.

Walang lusot si Sanggalang dahil kuhang-kuha ng ABS-CBN camera crew ang kanyang ginawa noong bigla siyang dumating sa Feeder Road 3, Barangay Tibal-og sa Sto. Tomas, kasama ang sampung todo armadong mga sundalo ng 60th Infantry Battalion na nakasibilyan lang.

Kitang-kita sa TV footage na tapos na ang nangyaring barilan sa Feeder Road 3 at nandun na nga ang mga police officials na nag-imbestiga, pati mga local officials gaya ng vice mayor at mga konsehal, maging ang mga ordinaryong mamamayan ng Sto. Tomas na naki-usyoso sa nangyari.

At sa kalagitnaan ng maayos na imbestigasyon ay biglang du­mating si Sanggalang na may kasama ngang sampung armadong sundalo na hiniram niya sa kalapit na headquarters ng 60th IB sa Sto. Tomas. Pilit nilang kinuha ang bangkay ni Toriano na dapat sana ay iimbestigahan pa ng local police.

Sumugod sina Sanggalang at kuhang-kuha nga ng TV camera ang pagtulak ng mga ilang metro ni Sanggalang kay PSupt. Thor Cuyos ang chief of police ng Sto. Tomas, habang pinilit ng opisyal ng AFP na huwag galawin ang bangkay ni Toriano at sila nga ang magdadala nito.

Sa puntong iyon, mali na si Sanggalang dahil hindi siya dapat nakialam sa imbestigasyon ng pulisya sa nangyari. At dapat pina­ ubaya niya ang bangkay ni Toriano sa mga police investigators, sa mga civilian authorities. Siguro naman alam ni Sanggalang iyon.

At doon ako saludo at bilib na bilib kay Cuyos, na graduate ng Philippine National Police Academy. Dahil kahit na tinulak-tulak na siya ni Sanggalang sa harap ng madla, hindi nagre-act violently si Cuyos. Talagang nagpakumbaba si Cuyos na di hamak na mas senior kay Sanggalang.

Saludo ako kay Cuyos dahil sa tama niyang desisyon na huwag pa­tulan si Sanggalang. Tama ang appreciation ni Cuyos sa sit­wasyon dahil kahit konting pag-alma lang ni Cuyos, sigu­ radong magbarilan iyon na maging out-of-control na ang lahat. At kung nangyaring nag­kagulo ang pulis at mga sundalo ni Sanggalang, marami ang mama­matay na sibilyan na lahat ay nakapaligid noon sa Feeder Road 3.

Ayos ka Cuyos, dahil you took into account ang safety ng maraming tao na nandun kahit na niyurakan na ni Sanggalang ang pagkatao at pagka-opisyal mo. Mas inisip mo ang kapakanan ng marami at hindi ang iyong pride.

At tuwing naalala ko ang nasabing TV footage, hindi ko maiwasang isipin kung ano na ang nangyari sa mga tinuturong values ng Philippine Military Academy at may mga military officials tayong gaya ni Sanggalang.

Mas nakakabuting kumuha ng kopya ng TV footage ni Sanggalang ang PMA at gawin nilang instruction material na nagsasaad ng mga bagay na hindi dapat tularan ng mga maging kagalang-galang na opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

CUYOS

DAHIL

FEEDER ROAD

INFANTRY BATTALION

MAPAGU

SANGGALANG

SHY

STO

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with