^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Kawalan ng kahandaan sa pagsapit ng lindol

-

AYON sa pag-aaral na ginawa ng Earthquakes and Megacities Initiative at sinabing kapag nagkalindol ng magnitude 7 sa Metro Manila, maaaring 16,000 gusali ang mawawasak saman­talang 150,000 katao naman ang masasaktan. Ang ganitong pag-aaral ay nagdudulot ng pa­ngamba at maaari rin namang magsilbing babala sa mga awtoridad para magkaroon ng pagha­handa sakali at magkaroon ng lindol. Pero ang tanong ay meron nga bang kahandaan sa gani­tong kalamidad? Mayroon bang kakayahan ang pamahalaan para mabigyan ng inpormasyon ang mamamayan.

Maaalala ang malakas na lindol noong July     16, 1990 na tumama sa Baguio City at Nueva Ecija     kung saan, 1,621 katao ang namatay. Ang lindol na iyon ang maituturing na pinakamalakas sa kasay­sayan sa Pilipinas. May hotel na nawasak sa Baguiio City at maraming nalibing nang buhay. Maraming building ang nawasak at pati lupa ay bumiyak.

Ang Phivolcs mismo ang nagsabi na ang ka-wa­lan ng kahandaan sa pagtama ng lindol ang mag­dudulot sa grabeng pagkawasak ng mga establi­simento. Anang Phivolcs, 38 porsiyento   ng mga gusali, 14 porsiyento ng high rise buildings at 35 porsiyento ng public buildings sa Me-tro Ma­nila ang mawawasak.

Sinabi naman ng isang opisyal ng United Nation na isang malakas na lindol ang maaaring mang­yari. Ang tanong ay kung kailan ito mang­yayari. Pero ang tiyak daw ay may lindol na maga­ganap.

Dapat maghanda sa pagsapit ng lindol para mabawasan ang pinsala. Hindi dapat ipagwa­lambahala ang paalala ng Phivolcs. Ang pamaha­laan ang dapat na manguna sa kampanya para mapaghandaan ang lindol. Magsagawa ng earthquake drills sa mga school at magkaroon ng pa­lagiang inspeksiyunin sa mga gusali. Hindi na­man maganda na kung kailan lumilindol na      saka gagawa ng mga hakbang ukol dito.

ANANG PHIVOLCS

ANG PHIVOLCS

BAGUIIO CITY

BAGUIO CITY

EARTHQUAKES AND MEGACITIES INITIATIVE

LINDOL

METRO MANILA

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with