^

PSN Opinyon

May problema ang mga Pinoy Teachers sa Los Angeles

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

Abala ang mga lider ng mga organisasyon ng Pilipino dito sa Amerika partikular na sa Los Angeles, California nang dahil sa problema na kinakaharap ng kanilang mga kababayan dito. Nangangamba ang mga public school teachers sa Los Angeles district na mawalan ng trabaho sanhi sa pagbabawas ng budget ng gobyerno nang dahil sa recession na nararanasan ng Amerika.

Ayon sa balita na aming nasagap, mga 2,000 teachers ang maaaring mawalan ng trabaho kasama na ang maraming teachers na na-recruit sa Pilipinas. Ang mga ito ay nakapasok ng Amerika sa pamamagitan ng special working visa na ang gustong sabihin ay pababalikin sila sa Pilipinas kapag natanggal sa kanilang tra-baho ngayon. Pati kanilang asawa at mga anak ay ka­sama rin na pauuwiin.

Gumagawa ng paraan ngayon ang mga organisas-yon ng Pil-Ams upang hindi matuloy ang pinaplano ng mga opisyal ng gobyerno lalo na ang may mga kinala-man sa pagpapatakbo ng mga schools sa Los Angeles county. Kinakalampag nila ang mga senador, congressmen, mga mayor at Governor ng California pati na si President Ba­rack Obama at iba pang mga opisyal ng national gov’t.

May mga opisyal na nagsasabi na baka daw maiwa-san ang malawakang pagbabawas ng mga teachers nang dahil sa masisira ng malaki ang sistema ng edu­kasyon sa lugar na tinutukoy na kinakailangan pa naman ng ma­raming teachers. Sa katunayan daw, kulang pa nga daw ang mga teachers sa maraming schools sa parteng ito ng LA district nang dahil sa dami ng mga estudyante.

Sana naman ay magawan ng paraan na hindi matu­loy ang binabalak ng mga ilang opisyal ng gobyerno sa Los Angeles na pahintuing magtrabaho ang mga      libu-libong public teachers sa LA county nang dahil sa wala na daw pera ang gob­yerno upang mapanatili ang mga teachers na ka­ramihan ay mga Pilipino.

Tignan natin kung ano ang mangyayari sa ating mga kababayang teachers.

vuukle comment

ABALA

AMERIKA

LOS ANGELES

PILIPINAS

PILIPINO

PRESIDENT BA

SHY

TEACHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with