^

PSN Opinyon

Mayor Fernando, di kaya ang video karera operator sa Marikina?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MATIKAS talaga itong video karera operator na si Paeng Palma. Ang ibig kong sabihin mga suki, talagang matibay ang koneksiyon ni Palma, hindi lang sa pulisya ng Marikina City kundi maging sa   local officials. At mukhang naiiputan ng mga padrino ni Palma itong si Mayor Maria Lourdes Fernando. Kaya ko naman nasabi ito mga suki ay dahil iniutos kaagad ni Mayor Fernando ang pagsa­lakay sa video karera ni Palma matapos nating ibulgar   ang laganap na operasyon niya sa Marikina City noong nakaraang linggo. Nakumpiska ng mga pulis ni Fernando ang dalawang makina ni Palma sa bahay ni Aling Lolet sa Villaon St.,   Brgy. Sto. Niño na sakop ni Kapitan Bara­ko. Sa may Kurt Store ito, Mayor Fernando Ma’m. Siyem­pre, ang akala ng mga residente na sakop ni Kapitan Barako, nagtagumpay sila na mapaalis ang makina ni Palma sa lugar nila. Subalit ang kaligayahan nila ay nabaligtad at umuwi silang luhaan. Bakit? He, he, he! ‘Yan ang magandang tanong mga suki.

Kasi nga kasama sa huli ng mga makina ay ilang mga mananaya, ayon sa kausap ko sa pulisya ng Marikina City. Ang buong akala ng mga residente roon ay kukum­piskahin ng pulisya ang makina ni Palma at kakasuhan ang mga nahuling mananaya. Subalit makaraan ang halos tatlong oras, aba pinakawalan ng mga pulis ang mga naaresto at ang mga makina ni Palma ay ibinalik nila. Kaya’t ang dalawang makina ni Palma sa ngayon ay nakalatag na naman sa bahay ni Aleng Lolet at alyas Pusa.

Alam kaya ito ni Kapitan Barako o Vice Mayor Marion Andres? He, he, he! Nagsumbong na kasi itong mga residente kina Kapitan Bara­ko at Vice Mayor Andres su­balit tulad din sila ni Mayor Fernando na walang silbi la­ ban sa mga makina ni Palma.

Sa tingin ng mga kausap ko, hindi gerilya ang laban ni­ tong mga makina ni Palma dahil ang operation nito ay mula alas-10 ng gabi hang­gang alas-7 ng umaga. ‘Yan ay para makaiwas sa mga operating unit ng PNP natin. Kung sabagay, masasabi nating beterano sa kalye itong si Palma dahil dating kolektor ito ng intelihensiya ng mga opisyales ng CIDG.

‘Ika nga ay abot niya ang kalakaran. Subalit habang pa­tuloy na nag-ooperate ang   mga makina nitong si Palma sa Marikina City, hindi lang ang imahe ni Mayor Fernan­do ang sinisira niya kundi ma­ging ang transformation program ng PNP natin. Ito ka­sing Marikina City police ay pilot project ng PNP transformation program at hindi ma­ganda sa adhikain ng mga pulis natin na namumugad ang video kare­ra sa napiling Best Police Station nila, di ba mga suki? He, he, he!

Pero sa tingin ko naman ay mukhang malalim na ang relasyon nitong si Palma kina Sr. Supt. Romeo Magsalos, ang hepe ng pulisya, Mayor Fernan­do, Vice Mayor An­dres at Ka­pitan Barako dahil pa­rang mga tuod sila tungkol sa pro­blemang dulot ng mga makina niya.

Para sa kaalaman ni Mayor Fernando, may makina rin si Palma sa bahay ni alyas Beth sa Panganiban St., Brgy. Con­­cepcion Uno at sa bahay ni alyas Jay-R sa Brgy. Bonanza, tig-apat sa Brgy. Fortune at limang video karera sa Upper Balite. Abangan!

BRGY

KAPITAN BARA

MAKINA

MARIKINA CITY

MAYOR

MAYOR FERNANDO

PALMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with