^

PSN Opinyon

Maligo maigi araw-araw

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MAY masigasig na manliligaw si Linda, isang dalagang 28 anyos. Mabait naman yung lalaki, hindi naman pangit at marunong pang magtrabaho. Kaya lang, may isang pintas si Linda: Marumi ang kanyang mga kuko. Binasted ni Linda ‘yung lalaki dahil hindi siya malinis sa katawan.

Kung tutuusin, tama si Linda dahil napakahalaga ng kalinisan sa katawan. Alam n’yo ba na maraming sakit ang maiiwasan kung tayo ay maliligo maigi araw-araw? Kaya mga bata, mga nanay at tatay, maligo at umiwas sa mga sakit na ito.

1. Pigsa – Ang mga taong pinipigsa ay kulang sa kalinisan. Ang mga bacteria sa ating balat (staphylococcus) ang nagdudulot ng pigsa. Maligo at mag-alcohol para makaiwas sa pigsa.

2. Sipon at ubo – Ang sipon at ubo ay madaling makahawa, lalo na sa bata. Marumi kasi ang mga kamay at punumpuno ng bacteria at virus. Maghugas ng kamay.

3. Galis (o scabies) – Sabon at tubig ang magandang panlaban sa galis. Panatilihin ding malinis ang ating paligid at silid tulugan para hindi dapuan nito.

4. Alipunga – Ito ay isang fungal infection sa daliri ng mga paa. Kapag laging basa ang paa at hindi tayo araw-araw naliligo, puwedeng magka-alipunga. Pahanginan ang paa at mag-sinelas muna.

5. Sore eyes – Bacteria sa mata ang sanhi niyan. Sobra itong nakahahawa lalo na kung nakipagkamay ka sa isang taong may sore eyes. Maghugas ng kamay.

6. Bulate sa tiyan – Kapag naglaro ang mga bata sa lupa at hindi naligo maigi, puwedeng magka­ bulate. Nag­ta-tago kasi sa ilalim ng kuko ang mga itlog ng bulate. At kapag sinubo ang kamay sa bibig, papasok na ang bulate sa tiyan.

Bukod dito, mababa­wa­san din ang mga sugat sa ka­tawan kapag maliligo tayo. Maligo mula ulo hang­gang paa. Hugasang maigi ang buhok. Gumamit ng sham­poo sa buhok at sa­bon para sa katawan. Hindi puwede ito ipagpalit dahil ang shampoo ay angkop sa buhok at ang sabon ay ang­kop sa balat.

Gumamit ng tuwalya at kuskusin ang buong kata­wan. Huwag kaligtaan ang mga daliri sa kamay at paa. Huwag magmadali.

Guma­mit ng sapat na tubig. Maligo ng 15 hang­gang 20 minutos para ma­linis. Sa mga bata at mata­tanda, maligo araw-araw para makaiwas sa sakit.

ALAM

GUMAMIT

HUWAG

KAPAG

KAYA

MAGHUGAS

MALIGO

MARUMI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with