^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lipulin ang mga gumagawa ng shabu

-

KARANIWANG gumagamit ng metamphetamine hydrochloride o shabu ay mga estudyante. At nga­yong balik-eskuwela na ang mga estudyante sa kolehiyo, abalang-abala na ang mga gumagawa ng shabu para maikalat sa Metro Manila kung saan nari­rito ang mga mag-aaral. Obertaym sila sa paggawa ng shabu para hindi kapusin sa order. Sa dami ng mga kabataang lulong sa shabu at iba pang bawal na gamot, kinailangan pa ng mga tagagawa nito na magkaroon nang maraming laboratoryo para ma­ibigay ang malaking demand. May laboratoryo sa Parañaque, Quezon City, Valenzuela City at Maynila.

Hindi tumitigil ang mga gumagawa ng shabu na karaniwang mga Chinese na ni kapirasong salitang Filipino ay walang alam. Halos lahat ng mga naares­tong shabu maker ay mga Chinese. Marami nang naka­kulong na Chinese subalit wala pa ring kadala-dala at pagkatakot ang iba pa. Maaaring magsikip ang bilangguan dahil sa mga Chinese na ikinukulong dahil sa paggawa ng shabu. Kung hindi inabolished ang parusang kamatayan, maaaring hindi magsisikip ang mga bilangguan sapagkat tuturukan na lamang nang tuturukan ang mga Chinese na mahuhuli sa shabu.

Sa raid na isinagawa noong nakaraang Huwebes sa Quezon City isang Chinese ang nadakip at inamin nito na marami siyang shabu labs sa Metro Manila. Meron din siyang laboratoryo sa Cotabato City at iba pang probinsiya. Pawang mga Pinoy ang kanyang tauhan. Ang Chinese na nagngangalang Peter Chou ay “master chemist” ng “Tiger Group of the Chinese Triad”. Ayon sa mga pulis kayang gumawa ni Chou ng tatlong kilong shabu sa isang araw. Suma total, nakagagawa siya ng 90 kilos ng shabu sa isang buwan. Ang halaga ng shabu na napo-produce bawat buwan ay nagkakahalaga ng P1 bilyon.

Wala nang takot ang mga Chinese na magtungo rito sa Pilipinas at dito gumawa ng shabu. Sa kanilang bansa kasi ay kamatayan sa firing squad ang parusa kaya dito sila sa Pilipinas nagtutungo. Alam nila na malambot ang batas dito. Ikukulong lamang sila rito sa Pilipinas at kapag nagkaroon ng tiyempo ay maaari pang suhulan ang mga guwardiya o opisyal ng bilangguan at presto, laya na. Maski ang mga drug traffickers na nakakulong sa Camp Crame ay nakaka­takas din. Madaling tapalan ng pera ang mga tiwaling awtoridad. Sana me matino pang mga awtoridad na lilipol sa mga salot na gumagawa ng shabu.

ANG CHINESE

CAMP CRAME

CHINESE

COTABATO CITY

METRO MANILA

PETER CHOU

PILIPINAS

QUEZON CITY

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with