^

PSN Opinyon

Mga manlolokong Arysta, Perfect Health Home Appliances at Homesonic Appliance Center

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ANG pagiging inutil ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangunahing dahilan kaya patuloy na namamayagpag sa panloloko ang Arysta, Perfect Health Home Appliances at Homesonic Appliance Center. Ito ang sumbong na nakarating sa akin ng ilan nating kababayan na halos masaid ang inipong salapi matapos na maingganyo sa matatamis na patutsada ng mga sale representatives sa mga pangunahing mall hindi lamang dito sa Metro Manila kung di maging sa ilang lalawigan.

Ayon sa aking mga nakausap, ang raket umano ng naturang kompanya ay sasalubungin ang mga nalilitong mamimili ng mga alipores nito at bibigyan ng isang uri ng “gave away” habang inaakay kayo papasok sa kanilang puwesto. Aalukin kayo sa napakamurang halaga ng appliances, kitchen ware o dili kaya’y water purifier at oras na may itinuro kayong bagay sa kanilang puwesto ay agad kayong hihimuking bumunot sa isang garapon na makukuha ninyong libre katumbas sa halagang inyong bibilhin.

Siyempre likas sa ating mga Pinoy na naghahangad ng libre kung kaya’t susunggaban ang matamis na offer, he-he-he! At habang dumarami ang inyong binibili ay dumarami naman ang offer na libre sa inyong pinamimili ngunit ang masakit ay kailangan munang bilhin ninyo ang mga panindang kanilang inaalok upang madala ninyong lahat ang mga package gift. Get nyo mga suki? At dahil nga sa likas na madaling mabola ang mga Pinoy ay susunggaban na ito at dali-daling babayaran sa pag-akalang sila ay nakalamang. Ngunit kapag nasa bahay na, doon na ninyo makukuwenta na ang lahat pala ng inyong binili ay katumbas lamang ng lahat ng inyong pinamili. Malinaw na nabulag lamang kayo ng matatamis na panghihikayat ng mga alipores ng naturang kompanya.

Ang ilan sa mga nahimasmasan ay agad na buma­balik sa naturang tindahan at agad na magrereklamo at pilit pang isinasauli ang mga pinamili subalit hindi na nila tatanggapin ang naturang mga gamit dahil nabili na ninyo ito at naka-record na umano sa BIR. Kahit awayin n’yo pa ang nagbenta tiyak na hindi na nila ito ibabalik. Kaya karamihan nagsusumbong na lamang sa DTI dahil ang buong akala nila, ito ang tamang ahensya na maka­tutulong sa kanila. Malaki ang kanilang pagkakamali dahil napabilang sila sa mga nabiktima na hanggang sa kasa­lukuyan ay hindi nabigyan ng aksyon. Marami na ang inaagiw na reklamo sa DTI kaya ang mga ito ay kusang lumapit sa akin upang sa pamamagitan ko ay magising ang DTI at dinggin ang kanilang reklamo.

DTI Asec. Theresa Pelayo-Ty, gumising ka’t umaksyon sa reklamo ng mga kababayan nating nabiktima ng Arysta, Perfect Health Home at Homesonic Appliances Center. Ang pagbubulag-bulagan mo sa reklamong ini­lapit ng mamamayan ay nangangahulugang pagkunsinti sa panloloko ng mga komapanyang nabanggit. Para mapadali ang iyong pagkilos Asec. Ty ay narito ang mga taong dapat mong ipatawag at pagpaliwanagin upang sa gayon ay kumilos ang mga inaagiw ng reklamo sa iyong tanggapan: Arysta na pinangangasiwaan umano ni Catherine Loh; Perfect Health Home Appliances-Renato Cabrera at Emily See naman sa Homesonic Appliance Center. Ang tatlong kompanya umano ay iisa lamang at pag-aari umano nina David Tiu, Alex Loh, Simon, Danny Cheo at Wee Siong na pawang mga dayuhan sa bansa. 

Malakas umano ang mga padrino nito sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) kaya’t ang kanilang negosyo ay patuloy na nakapanloloko sa ating mga kababayan. Abangan!

ALEX LOH

ARYSTA

ASEC

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CATHERINE LOH

DANNY CHEO

DAVID TIU

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

HOMESONIC APPLIANCE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with