^

PSN Opinyon

Happy Birthday, SND Gibo Teodoro!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SATURDAY, June 13, 2005, ang isa sa pinaka-important day sa buhay ni Secretary of National Defense Gilbert ‘GIBO’ Teodoro dahil ito ang araw ng isilang siya sa mundong ibabaw.

Sabi nga, 45th BIRTHDAY!

Isang simpleng celebration sa isang lugar dyan sa Fort Bonifacio ang birthday ni Gibo kaya para sa mga nagmamahal kay Secretary Teodoro huwag ninyong kalimutan ang araw ng kanyang kaarawan.

Ika nga, see you there!

DAR Secretary Pangandaman, read this

HINDI siguro alam ni DAR Secretary Nasser Pangandaman na iniikutan siya ng mga sindikato sa kanyang tanggapan.

Ika nga, ginugoyo.

Dapat ipakalkal ni Pangandaman ang mga nagkalat na ‘guardia sibil’ sa iyong office dahil hindi birong pitsa ang ibinabayad ng government of the Republic of the Philippines sa mga ito.

Sabi nga, million of pesos ang contract!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang bilang ng mga ‘guardia sibil’ sa Department of Agrarian Reform kaya nga million ang ibinabayad sa kanila monthly.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaunti lamang sa mga ‘guardia sibil’ ang naka-duty.

Bakit?

GHOST EMPLOYEES ang iba!

Isang Boy eto, ang sinasabing utak ng sindikato sa DAR at para malaman mo Secretary Pangandaman malapit lamang ang opisina ng kamoteng ito sa tanggapan mo.

‘Busisiin kaya ni Nasser ang sinasabing ghost employees sa DAR?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Siguradong hindi papayag si Pangandaman dahil bukol ito?’

‘Anong bukol?’ tanong ng kuwagong urot.

‘Iyon bang napalo ng maso sa ulo?’ sagot ng kuwagong haliparot.

‘Paano maiiwasan na mabukulan sila?’

‘Dapat may helmet sila’ Hehehe!

‘Ano ang dapat gawin?’

‘Kamote, iyang ang abangan natin.’

Politikahan sa AFP/PNP

HINDI biro ang kumakalat na text messages ngayon, dahil nakatanggap ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO ng mensahe na may namumuo daw na matinding problema ang PMA Class 76 versus 78.

Ang isa sa mensahe na nakuha ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay dehins na daw magtatagal sa upuan dyan sa Camp Crame si PNP Chief Jess Verzosa dahil papalitan daw siya ni NCRPO bossing Boysie Rosales.

Totoo kaya ito?

Sa AFP naman ay ganuon din ang problema para dehins daw umalma ang mga junior officer sa militar ay binigyan umano ng pagkakataon na maka-upo sa trono si AFP Chief Ibrado na miembro ng PNA Class 76 kahit na wala sa isang taon ang serbisyo nito sa militar.

Sabi nga, magre-RETIRO na!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO sa mensaheng dumating sa mga ito na bawal daw ang naging pag-upo ni Ibrado porke alaws na daw siyang 1 year sa serbisyo.

Sabi nga, pinagbigyan na lang daw.

Totoo kaya ito?

Si Army bossing Major General Banggit, na batang sarado ni GMA at miembro ng PMA Class 78 ang dapat daw umupo? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa major services daw ng AFP o ang tinatawag na mga sensitive at intelligence services ay puro daw Class 78 ang naka-puesto.

Ayon sa mensahe ‘pet’ umano ni GMA ang PMA Class 78 dahil adopted ang panggulo este mali pangulo pala ng nasabing klase.

‘Paano kung opposition President ng Republic of the Philippines ang manalo sa 2010? Sila pa rin kaya ang uupo sa trono ?’ tanong ng kuwagong maglalako ng puto.

‘Its the pressure este mali pleasure pala ng susunod na pangulo ng Philippines my Philippines’ sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong.

‘Eh kung No El?’ anang CO2-10 sa Aguinaldo.

‘Iyan kamote ang nakakatakot.’

Abangan.

vuukle comment

AYON

BOYSIE ROSALES

CAMP CRAME

DAW

LSQUO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SABI

SECRETARY PANGANDAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with