Gestapo style ng MMDA men

Sayang ang ambisyon ni MMDA Chairman Bayani Fer­nando na tumakbo sa pagka-pangulo kung hindi masu­suheto ang kanyang mga bata na hanggang ngayon ay mistulang alagad ni Hitler sa pagtrato sa mga vendors. Kung tatanungin mo ang mga ordinaryong tao, lalu na yung mga mahihirap, malamang na aayawan nila si Fernando dahil sa image niyang kontra sa mahirap.

Kung ang imahe ni Erap ay para sa mahirap, mukhang taliwas naman ang kay Fernando na kahit nung una pa man ay binubuhusan ng gaas ang paninda ng mga illegal vendors. Maaaring illegal ang pagtitinda sa bangketa at may rason ang MMDA para itaboy ang mga vendors pero may diplomatikong paraan naman siguro para mapagbawalan ang mga nagtitinda nang illegal sa mga bangketa.

Iyan ang katotohanan sa politika. Hindi ka ubrang umastang diktador kahit nasa tama ka pa.

Mayroon akong tinanggap na reklamo mula sa mga nagtitinda ng diyaryo sa QC na gusto kong bigyang-daan.

Si Roberto Coronel, nagtitinda ng diyaryo, yosi at pala­mig na may puwesto sa Congressional ang nabiktima ng mga nanghuhuling sidewalk vendor na MMDA.

Noong umaga ng Mayo 27, habang nagtitinda si Mang Roberto sa kanyang puwesto ay nagdatingan ang mga MMDA at kinuhang pilit ang buong mesa ng kanyang    mga paninda, kasama ang mga diyaryo at ang masaklap pa ay ang kanyang kinita sa paninda.

Pinagpipilitan ni Mang Ruberto na kunin ang mga diyar­yo at ang kanyang kinitang pera subali’t wala siyang nagawa.

Nakamasid lang at ’di man lang pinagbawalan ng   naki­lalang lider na si Richard Aquino ang mga nahu­huling MMDA upang mai-ba­lik ang kinitang pera at mga di­yaryo ng kawawang news­­boy vendor.

Marami ng mga nagre­rek­lamong mga newsboy sa ginagawang maling pang­huhuli ng mga MMDA na pati mga diyaryo ay hindi ibinabalik partikular na na­gaganap sa may Congressional-Muñoz, Quezon City.

Nasa tama pa bang lu­gar ng panghuhuli ang mga MMDA na ito?

Wala akong masamang tinapay kay Chairman pero tingin ko, kung nag-aam­bisyon siyang maging Pa­ngulo ay magbago siya ng estilo. Baka kahit Senador o Kongresista sa Maba­bang Kapulungan ay ma­bok­ya siya sa liping mahi­rap kung ang ipinakikita niyang imahe ay “berdugo.”


Show comments