Puno may panalo ba sa 2010
Ang madlang people lang sa Philippines my Philippines ang magkakapagsabi kung may magandang kapalaran si DILG Secretary Ronnie Puno sa 2010 election dahil sila lamang ang may karapatan bumoto at mamili ng kanilang mamanukin sa nalalapit na halalan pang - national.
Alam ng madlang people kung ano ang naging papel ni Ronnie bilang ‘smooth (political) operator’ kasi malaki ang naging papel ng una para manalong pangulo si Fidel V. Ramos noong 1992, Joseph Estrada noong 1998 at GMA noong 2004. May mga naniniwalang si Ronnie daw ang ‘mastermind’ sa pagkakatalo ni Senator Miriam Defensor Santiago last 1992 ng bumangga ito kay FVR.
Bakit hindi si Miriam ang tinulugan ni Ronnie ng maglaban sila ni FVR? Sabi nga, naging kontrabida si Ronnie. Sa kabila ng ganitong reputation, iba naman ang pagkilala kay Ronnie ng mga opisyal sa loob at labas ng gobierno at kahit sa hanay ng oppostion. Nang mag-declare si Ronnie na tatakbo siyang Vice-President sa Philippines my Philippines ay alaws kumontra todits porke ‘very much qualified’ daw ito. May ugali kasi si Ronnie na dehins ito naghuhugas este mali hudas pala sa kanyang mga nagiging bossing. Kahit na maraming nagbaliktaran noon kay Erap nanatili pa rin si Ronnie sa tabi ng una kaya naman kahit si Gloria ang bossing nito ngayon ay alaws masabi ang huli kay DILG Secretary. Sabi nga, subok ang kredibilidad at integridad!
Si Puno, ang dahilan kung bakit nakalabas ng maagap este mali maaga pala si Erap sa karsel matapos mabigyan ng ‘absolute pardon’ ang dating artista. Sabi nga, si Miriam lang ang hindi bilib kay Puno.
Sino si malditas sa LTO?
Isang bebot sa LTO na may matinding kaso sa Office of the Ombudsman ang nakikialam sa trabaho ng mga mamamahayag dyan sa LTO Central Office at ang masama pa gustong paalisin ang mga media sa kanilang opisina at maglagay ng sarili nilang mga bata. Sabi nga, mga hao-shiao !
Kinadena este mali kinondena pala ng grupo ng Land Transportation Office Tri Media Association ang ginagawang panghihimasok at pagsupil sa karapatan nila dahil panay daw ang banat ng mga ito sa mga bugok na opisyal sa nasabing ahensiya.
Nagsumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kabaro natin dahil gusto daw silang busalan at ihinto ang mga negatibong sinusulat nila laban sa mga bugok dyan sa LTO.
Ayon sa mga ito si malditas, isang bansot o bulilit na bebot na may matinding kaso sa Ombudsaman ang nakikialam sa trabaho ng mga media practitioner dahil gusto nitong tanggalin ang mga ligitimate media na kumokover sa LTO.
At wala umanong pakialam ang LTO Tri media sa nais nilang gawin dahilan sa ang naturang grupo naman anya ay nakiki opisina lamang sa loob ng LTO.
Gusto ni bansotitas, na magpa-election ng media sa nasabing lugar para matanggal ang mga taong sagabal sa kanilang gagawin illegal operation upang makalikom ng funding para sa 2010.
Naku ha!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga foolish cop sa LTO na walang inatupag kundi gumawa ng pitsa sa illegal na paraan.
Dahil sa kababanat ng mga ligitimate media practitioner todits ay nagagalit ang mga bugok na bossing ng foolish cops dahil panay ang dyaryo ng mga kabaro natin sa kanila.
Sabi nga, hindi sila maka-porma!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga nag-iiyakan Private Emission Test Center at IT providers at sa iba pang stakeholder sa LTO dahil sa pangongotong ng mga foolish cop.
Bilang Chairman of the Board ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag AFIMA) mariin natin binabatikos ang ganitong sistema na gustong pairalin ni bansotitas sa LTO.
‘Alam kaya ni LTO bossing Art Lomibao ang nangyayari sa kanyang tanggapan?’ tanong ng kuwagong inaapi.
‘Baka hindi’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘May mga foolish cop na sindikato todits.’
‘Kamote, iyan ang kalkalin natin.’
‘Sino si malditas dyan sa LTO?’
‘Iyan lagapot ang burikiin natin at ang kaso niya sa Ombudsman.’
Abangan.
- Latest
- Trending