^

PSN Opinyon

Logical end

DURIAN SHAKE -

Hinihintay na rin ang resulta ng ginagawang public inquiry on extra-judicial killings ng Commission ng Human Rights, partikular na ang ukol sa mga patayan na di umano ay kagagawan ng Davao Death Squad dito sa Davao City.

Naka-tatlong magkasunod na public hearing na rin ang CHR commission en banc na pinangunahan ni CHR chair Leila de Lima. Ginanap ang unang public inquiry noong March 30 to April 1 sa function hall sa 9th floor ng Mandaya Hotel, at sinundan ito noong April 17 at ang huli ay noong May 21 to 22 na kapwa naman ginanap sa Waterfront Insular Hotel Davao.

At ayon kay de Lima, magkakaroon pa ng pang-apat na public hearing ngunit sa Manila na raw gaganapin upang big­yan ng pagkakataon ang mga sinasabi witnesses na takot daw mag-testify dito.

Nagsimula ang public hearing na si Mayor Rodrigo Duterte ang unang sinalang at ginisa nga siya ng mga CHR commissioners. Pagkatapos kay Duterte, tinanong naman ng CHR ang mga police officials at barangay captains, maging ang ibang city hall officials ukol sa sinasabing Davao Death Squad nga.

Tinanong nga namin si de Lima kung saan na patutungo ang public inquiry at kung ano na ba ang assessment nila pagkatapos ng tatlong public hearings.

Sinabi ni de Lima na lumalabas na sumasang-ayon ang lahat na mga witnesses na pinatawag ng CHR na talagang may unsolved killings dito sa Davao City ngunit walang nagsasabi ng tahasan na kagagawan nga ng Davao Death Squad ang mga nasabing patayan.

Kaya dapat may patutunguhan ang imbestigasyon ng CHR sa usaping Davao Death Squad kasi hindi magandang tingnan na mabibitin ang mamamayan ng Davao City sa nagaganap sa isang public inquiry na tumatalakay sa isang bagay na kung saan sila apektado.

Hindi lang ang CHR ang may gustong malaman ang katotohanan tungkol sa Davao Death Squad. Maging ang may higit 1.6 million na Dabawenyo ay naghahanap din ng kasa­gutan sa patuloy na nakabinbing katanungan ukol sa Davao Death Squad.

Kaya dapat may patutunguhan ang public inquiry ng CHR kasi kung hindi, maging isa na namang ‘exercise in futility’ ang mangyayari nito.

Mahirap din yong pagkatapos ng napakatapang na opening statement ni Chairman de Lima noong March 30 at maging ang tono ng kanyang pananalita sa susunod na mga panayam ng mga mamahayag sa kanya noong April 17, na talagang patutunayan niyang may Davao Death Squad nga, ay wala rin mapapalang resulta ang public inquiry.

Kaya nararapat lang talagang makarating sa dapat na patutunguhan ang CHR public inquiry upang mabigyang linaw na rin ang issue tungkol sa Davao Death Squad.

At isa pa, hindi dapat na umabot pa ng eleksyon sa susunod na taon ang CHR public hearing na ito.

Sumang-ayon naman si de Lima na hindi nga raw dapat paabutin ng 2010 elections ang pagdinig ng CHR at pinangako niya na bago mag-tapos ang pangkasalukuyang taon ay tiyak na wrap-up na sila at ilalabas na rin nila ang resulta ng kanilang imbestigasyon. 

Nagmamatyag at nag-aabang ang mga Dabawenyo sa sinasabing ‘logical end’ sa public inquiry na sinimulan ng CHR at dapat din nitong tapusin.


DABAWENYO

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO DEATH SQUAD

DEATH

KAYA

PUBLIC

SQUAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with