Cancer sa prostate
Ano ba itong prostate? Ang prostate ay yung gland ng mga lalaki kung saan nagpo-produce ng maputi at tila gatas na fluid na kapag na-mixed sa sperm at nagiging semen. Ang cancer sa prostate ay karaniwan na sa United States, katunayan, ikalawa ang sakit na ito sa lung cancer.
Mahirap matukoy kung may prostate cancer sapagkat itinuturing itong silent disease. Kapag nalaman ang sakit, malala na. Hindi agad natutukoy kung ang lalaki ay may prostate cancer kaya naman napapabayaan. Karaniwang nahihirapang umihi, may dugo sa ihi, pananakit ng likod, pananakit sa pelvic area at pagkainutil (impotence) ang sintomas ng prostate cancer.
Hindi pa malaman ang dahilan ng pagkakaroon ng prostate cancer ganunman, ang hormone imbalance ay itinuturong dahilan nito. May mga nagsasabi na ang old age ay isa sa dahilan ng prostate cancer. Kadalasang ang mga nagkakaroon ng prostate cancer ay mga kalalakihang nasa 60 years old.
Radiation theraphy ang karaniwang paraan para mawala ang cancer sa prostate gland at mga nakapaligid na kulane. Ang radiation implant ay ginagamit ding paraan. Ang operasyon ay nirerekomenda sa ilang kalalakihan kung ang cancer ay natuklasan nang maaga.
Ang maagang pagkatuklas sa prostate cancer ang tanging paraan para ito mapigilan sa pagkalat. Mahalagang magpasuri agad sa doctor sakaling may mga sintomas.
- Latest
- Trending