^

PSN Opinyon

Bakit nga ba?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy pang umaangal si Sen. Aquilino Pimentel sa natapos nang desisyon ng Senado na ipagpatuloy ang imbestigasyon kay Sen. Manny Villar sa umano’y dobleng pagpondo sa isang proyekto na nakinabang nang husto. Lahat ng pagkakataon ay ibinigay kay Villar at sa kanyang mga kakampi para ipagtanggol ang sarili sa mga akusasyon ni Sen. Jamby Madrigal. Pero mas pinili nila ang hindi sumipot, at sa labas nagpapaliwanag. Bakit nga ba?

Maliwanag na wala silang respeto sa Senado kung   saan sila’y mga miyembro rin. Kung talagang inosente   sa mga paratang, may lugar kung saan puwedeng ipagtanggol ang sarili. Mga kasamahan at kapantay niya ang mga humihiling na magpaliwanag siya, pero hindi niya binigyan ng panahon. Ano na ang pinagkaiba niya sa     mga ayaw ding sumipot sa Senado kapag pinatatawag para magpaliwanag?

Alam na ang estilo ni Pimentel: Magsasalita nang mag­­sasalita nang magsasalita nang magsasalita. Ma­ galing siya rito at ipinakita niya ito noong 2004 sa kan­yang paulit-ulit na pagtalumpati ng higit tatlong oras. Sa kan­yang patuloy na pagbabatikos sa desisyon ng Se­nado, pinapakita niya na walang saysay ang ginawa ng Se­nado. At higit sa lahat, ipinapakita niya na ayaw mag­paimbestiga ni Villar. Dadalhin na raw nila ang reklamo nila sa Korte Suprema. Parang ginawa ni Romulo Neri at iba pang mga kasangga ng administrasyon kapag naiipit na sa Senado.

Siguradong iuurong ng kampo ni Villar ang langit at lupa para hindi matuloy ang imbestigasyon sa kanya. At alam naman ng buong Pilipinas na may kakayahan siya, bilang pinaka mayaman sa Senado, ayon sa kanyang pinaka-huling pahayag ng kayamanan at babayarin. Nasa Senado na kung magpapaurong din sila. Kung ganito    lang ang nangyayari sa Senado at hindi magkaisa, paano pa sila magkakaisa para ipasa ang mga mahahalagang batas? Paano gagana ang isang institusyon, kung may miyem­brong inaakusahan ng anomalya, at ayaw mag­paim­bestiga? Paano na ang integridad ng institusyon na iyan? Kung inosente talaga, ano ang ikinatatakot niya sa isang imbestigasyon?


vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL

JAMBY MADRIGAL

KORTE SUPREMA

KUNG

MANNY VILLAR

NASA SENADO

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with