Whistleblower ng 'Hello Garci', 'bayani ng katotohanan'
Si dating National Bureau of Investigation (NBI) deputy director Samuel Ong ay tunay na “bayani ng katotoha-nan” dahil sa ginawang pagbubunyag ng tinaguriang “Hello Garci phone conversations” tungkol sa pandaraya noong 2004 presidential election.
Ito ang nagkakaisang opinyon namin ni Presidente Erap at ng aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.
Kung hindi dahil sa pagbubunyag ni Ong, hindi nala man ng taumbayan ang ginawang pag-uusap ni Ginang Arroyo at isang opisyal ng Comelec (na sina sabing si Commissioner Virgilio Garcillano) tungkol sa pandaraya kay dating opposition presidential candidate Fernando Poe Jr. (FPJ) na binawasan umano ng isang milyong boto at inilipat sa boto ni Ginang Arroyo.
Ang naturang napakalaking pagbubunyag ay isina- gawa ni Ong kasama si ex-Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Technical Sgt. Vidal Doble noong Hunyo 6, 2005 sa San Carlos Seminary sa Guadalupe, Makati City.
Nitong nakaraang Biyernes, pumanaw na si Ong sa edad na 64 dahil sa kumplikasyon sa sakit na lung cancer. Yumao siya na hindi pa rin nakakamit ng bayan ang hustisya laban sa mga nandaya sa halalan. Bago tulu-yang nalagutan ng hininga si Ong, nadalaw siya ni Presidente Erap sa ospital kasama si Rez Cortez.
Si Ong ay tunay na nakipaglaban sa katotohanan, kahit ito ay nangahulungan ng matinding sakripisyo ng kanyang seguridad.
Sa darating na Hunyo 6 ay ika-apat na taong aniber-saryo ng pagbubunyag nina Ong ng “Hello Garci con-versations”. Patuloy nating ipaglaban ang katotohanan na pilit pinagtatakpan ng mga nangungunyapit sa ka- pangyarihan.
Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala lang ang inyong mga liham sa kanyang tangga- pan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.
Ipagpaumanhin po nin- yo na hindi tinutugunan ng tanggapan ang mga solicitation letter.
- Latest
- Trending