Bill ni Sen. Enrile vs mahal na kuryente
Basic need ng bawat mamamayan ang elektrisidad. Pero nakalulula ang mataas na presyo nito. Mahirap magtipid lalu pa’t mainit ang panahon. Kung mag-e-aircon ka naman, libu-libo ang magiging bill mo sa katapusan ng buwan!
Kaya kabilang ako sa maraming Pilipino na umaa- sang maisasabatas na ang dalawang bill ni Senate Pre-sident Juan Ponce Enrile na magpapababa sa presyo ng elektrisidad.
Ang Senate Bills 3147 at 3148 ay kapwa naglalayong maibaba ang presyo ng elektrisidad. Mukhang sa lahat ng mambabatas ay si Enrile lamang ang pursigidong maisabatas ito. Ewan ko kung bakit. Si Enrile lang ba ang may malasakit sa taumbayan?
Dalawang paraan ang nakapaloob sa bill para mabawasan ang halaga ng kuryente. Isa ay ang imposisyon ng Uniform Franchise Tax (UFT) sa gross distribution income ng private utility companies kabilang na ang mga electric cooperatives. Ang panukalang buwis ay papalit sa lahat ng iba pang levies at taxes na binabayad ng DUs. Taga-Maynila ka man o taga-probinsya, tiyak makikinabang ka rito.
Ang isa pang paraan ay ang direktang pagbabalik sa mga consumers ng royalties na mula sa indigenous sources of energy gaya ng natural gas, coal at crude oil. Bilyong pisong royalties ang nakukulekta riyan ng gobyerno. Napapanahong makinabang naman ang taumbayan riyan.
Layunin ng Electricity Rate Reduction Act (SB 3148) na ang government royalties mula sa exploration, development at produk-syon ng indigenous energy sources ay mabawasan hanggang tatlong porsiyento ng net proceeds na ipinapataw sa mga generation companies. Ang matitipid mula dito ay ibabalik sa consumers sa pamamagitan ng murang elektrisidad. Bright idea kung maipapatupad.
Yung iba umaangal porke mababawasan ang kita ng gobyerno. Ngunit ang hindi nila nakikita ay magsisilbing economic stimulus ang Enrile bills sa ekonomiya ng bansa lalu pa’t nahaharap tayo sa economic crisis.
Simple lamang ito. Kapag mura ang kuryente, ang mga Pinoy ay mas maraming pera para makabili ng iba pa nilang pangangailangan. Ito ay magdudulot ng mas malaking paggastos ng publiko na makakapagpabuhay ng ekonomiya.
Bakit kaya hindi makita ng mga kumokontra sa bill ang positibong epektong ito?
- Latest
- Trending