^

PSN Opinyon

'Salpukan!'

- Tony Calvento -

Hindi na mabilang ang mga taong namatay, malubhang nasugatan at mga ari-ariang nawasak dahil sa kapabayaan ng mga drayber na walang disiplina. Minsan pa inuulit ko na hanggat hindi binibigatan ang parusa para sa mga “speed maniacs” asahan ninyo mas tataas ang istatistiko sa vehicular accident.

Isang ‘jeepney driver’ ang nagsalaysay sa amin ng kanyang karanasan. Siya ay si Alexander “Alex” Balog, 50 taong gulang ng Sta. Cruz, Zambales.

Agosto 21, 2008 hiniram ni Alex ang tricycle na pagmamay-ari ni Jocelyn Obguia upang kumuha ng yelo sa palengke para sa panindang isda ng kanyang asawa na si Esterlita “Ester” Balog.

Mula sa ‘riverside’ ng Brgy. Lipay ay patawid ng ‘hi-way’ ang tricycle lulan si Alex kasama sina Silvestre Obguia, Joseph Gamullo at Cristante Tabat.

Bago tuluyang tumawid si Alex tumingin muna siya at napansin na wala umano sasakyan makakasalubong sa kaliwa at kanan.

Napansin ni Alex na may parating na tricycle din sa kanyang kaliwang bahagi na ’di umano may mabagal na takbo kaya minabuti nitong pumasok sa hi-way.

Habang papasok si Alex sa kanyang linya ay may biglang sumulpot na puting ‘Nissan Sentra’ na mabilis ang takbo kaya naman ay bigla siyang nasalpok.

Naging mabilis ang pangyayari kay Alex.

“Wala akong maalala sa nangyari. Ang alam ko lang nabundol kami ng puting sasakyan. Tumilapon ako sa daan at may taong nag magandang loob sa akin na dalhin ako sa pinaka malapit na ospital,” pahayag ni Alex.

Agad ibinalita kay Ester ang nangyari sa kanyang asawa. Dinala si Alex sa Sta. Cruz Medicare para siya ay mabigyan ng karampatang lunas sa kanyang pagtilapon sa kalsada.

Agosto 30, 2008 nakalabas siya ng ospital. Isang linggo siyang inobserbahan upang matiyak ang kanyang kalagayan.

Sinagot ni Jocelyn ang lahat ng mga gastusin ni Alex sa ospital pati na din ang mga gamot na kanyang kailangan sa paggaling ng kanyang paa.

Setyembre 8, 2008 hindi kinaya ni Alex ang matinding pagkirot ng kanyang paa sa nangyaring aksidente sa kanya. Minabuti niyang bumalik ulit sa ospital upang mabigyan siya ng gamot na maaaring magpatigil magpakirot ng kanyang paa.

“Hindi ko alam kung paanong pwestong iaayos ng paa ko. Hindi tumitigil ang kanyang kirot, hindi nga ako pinatulog nun dahil sa sakit,” sabi ni Alex.

Setyembre 14, 2008 nakalabas na ng ospital si Alex. Kinausap siya ni Jocelyn na dun na lang muna siya tumira sa kanilang bahay at magpagaling.

Mula ng kanyang aksidente ay hindi nakapagtrabaho si Alex. Wala siyang maipadalang pera sa kanyang pamilya dahil naging mabagal din ang kanyang paggaling.

Nobyembre 18, 2008 nakatanggap ng sulat si Alex mula sa hepe ng Public Attorney’s Office kay Chief Persida Acosta tungkol sa problema ni Alex.

Disyembre 18, 2008 nagpunta sa Zambales Police Provincial Office upang magsampa ng reklamo laban sa nakabundol sa kanya.

Nakausap niya si George Siquig ang Chief Investigator at sinabi na kailangan ng Medico Legal Certificate kaya minabuti niyang kumuha.

Ayon sa lumabas na findings ng doktor, “Fracture Closed, Middle Third, Tibial Fibula, Left.”

“Pagkabigay sa akin nito agad kong dinala sa pulis para makapag sampa ako ng kaso laban dun sa nakabundol sa akin.,” ayon kay Alex.

Dahil hindi malaman ni Alex kung sino ang dapat niyang kasuhan ay nagpasya siya na magpunta sa Land Transportation Office (LTO) at dun kanyang napag-alaman na itong Nissan Sentra na may plate no. na TBR 839 ay pag mamay-ari ng isang Firstline Security Agency sa Makati at minamaneho ito ni Eugenio Saguin.

Nagsampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries sa Provincial Prosecutor ng Iba Zambales si Alex laban kay Eugenio.

Naka-dalawang beses na pinadalhan ng subpoena ang dalawang panig ngunit hindi sumisipot si Eugenio sa pagdinig ng kaso.

“Hindi niya kami sinisipot, tuwing may hearing kami. Ayaw niyang magpakita sa akin. Mukhang tatakbuhan niya ako sa nagawa niyang aksidente,” ayon kay Alex.

Hindi alam ni Alex kung ano ang pwedeng gawin para mahuli si Eugenio nagpasya siyang magpunta sa aming tanggapan para makamit ang katarungan.

Sa aming programa Hustisya Para sa Lahat nakausap ni Alex si DOJ Sec. Raul Gonzalez tungkol sa pag-usad ng kanyang kaso.

Ipinarating ni Alex kay Sec. Gonzalez ang kanyang problema at ang reklamo niya umano sa isang ‘lady prosecutor’ na nag ngangalang Prosec. Olivia Non. Ipinangako ni Sec. Gonzalez na ipapatawag niya si Prosec. Non para dalhin sa Maynila ang mga papeles ni Alex para maaksyonan.

Para sa lubusang tulong kay Alex nirefer namin siya kay Prosec. Rommy Galvez ng Department of Justice Action Center (DOJAC) upang pag-aralan kung anong kaso pa ang maaaring isampa kay Eugenio.

Maliban pa dito nakipag-ugnayan siya kay Prosec. Non para ma­ilabas na ang resolusyon na matagal na panahon ng nakabinbin.

Maaari din siyang kasuhan si Eugenio ng abandonement of one’s own victim (Art 275 paragraph 2) na nagsasabing, ‘Anyone who shall fail to help or render assistance to another whom he has accidentally wounded or injured’ ay maaaring ikulong.

“Dahil sa laki ng pinsalang sinapit ko sa salpukan naganap sa hi-way, umaasa ako na sa inyong tulong makakamit ko ang hustisya,” madamdaming pahayag ni Alex.

SA GANANG AMIN DITO SA CALVENTO FILES, mag-ingat tayo sa ating minamanehong sasakyan. Ito ay maaaring isang kasangkapan na kaakibat ng pag-unlad ng ating sibilisasyon subalit itong sasakyan din ito ay maaaring maging ‘deadly weapon’ kapag napunta sa kamay ng iresponsableng tao. (KINALAP NI DEN VIAÑA)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email: [email protected]


ALEX

EUGENIO

KANYANG

KAY

PARA

PROSEC

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with