^

PSN Opinyon

Kade-kadenang anomalya!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Ni wala pang linaw sa lahat nang iniimbestigahan ng Senado, kasama na ang reklamo ni Sen. Jamby Madrigal kay Sen. Manny Villar, eto na naman ang isa pang gusto nilang imbestigahan! Gustong imbestigahan ni Sen. Miriam Santiago ang mga alegasyon ni Lt. Nancy Gadian na may bumulsa ng P46 milyon para sa eher­sisyong Balikatan noong 2007. Maliit na halaga lang daw ang umabot sa mga sundalo, at ang natira ay pinartehan ng ilang matataas na opisyal.

Seryoso ang mga paratang na ito, walang nakaaalam kung noong 2007 lang naganap ang anomalya o matagal na, dahil taun-taon naman ginaganap ang Balikatan. Itinatanggi naman ito ng AFP, partikular ang hepe ng Westmincom Lt. Gen. Eugenio Cedo na retirado na.

Buwelta nga ni Cedo, ay si Gadian ang dapat imbesti­gahan dahil hindi makapagpakita raw ng maayos na kuwenta para sa perang hinawakan din niya. May utos na nga na arestuhin na si Gadian, at humarap sa isang imbestigasyon mula sa militar. Si Gadian naman ay bumitaw na sa pagiging sundalo.

Sa ngayon ay hindi pa alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Kaya siguro gustong imbestigahan ng Senado. Matagal nang naririnig na may katiwalian sa AFP. Una na rito ang kaso ni General Carlos Garcia, na milyon ang binulsa mula sa pondo ng AFP. Nililitis pa ang kaso niya hanggang ngayon. May mga reklamo rin ang mga sundalong Magdalo, ukol sa katiwalian sa AFP. Ito nga ang dahilan ng Oakwood mutiny.

Sa ngayon ay nakakulong pa rin si Trillanes dahil dito. At ganun na naman ang nakikita ng bayan. Isang luma­lantad na testigo laban sa isang malaking institusyon, ala Jun Lozada. At alam na kung ano ang nangyayari sa mga katulad ni Lozada. May harassment, may pana­nakot, may banta, may kaso, may kulong.

Ito na rin malamang ang hinaharap ni Gadian kung sakaling umusad ang imbestigasyon. Nakita na rin kung paano bumawi ang isang malaking institusyon laban sa isang naglalantad o pumapansin ng mga kamalian. Nakita ang ginawa ng PNP kay Ted Failon. Ano kaya ang makikita na gagawin ng AFP kay Nancy Gadian kung sakaling mahawakan nila muli ang dating sundalo? Kaya siguro nagtatago na rin.

Ilang buwan na lang ang administrasyong ito, hindi pa tumitigil ang mga lumalabas na katiwalian at ano­malya. Iyan talaga ang pamana ng administrasyong ito. Ganyan sila makikilala sa kasaysayan ng bansa. At wala na silang magagawa para mabago ito. Baka wala na sila, naglalabasan pa rin ang mga anomalya? Hindi ako magtataka dahil baka lumakas na rin ang loob ng ilan diyan na magsalita na, kapag wala na sila sa Palasyo. Tulad ng isa riyan sa SSS.


BALIKATAN

EUGENIO CEDO

GADIAN

GENERAL CARLOS GARCIA

JAMBY MADRIGAL

JUN LOZADA

KAYA

NANCY GADIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with