^

PSN Opinyon

Vaginal cancer po kaya ito?

WHAT'S UP DOC - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, ako po ay sumulat para isangguni ang problema ng pinsan ko na isang DH sa Hong Kong. Nahihiya po kasi siya. Siya po ay 40 yrs old. Ang pro­blema po niya ay tungkol sa pagdurugo ng kanyang vagina tuwing makatapos silang mag-sex ng boyfriend niyang Pakistani. Masakit din daw ang pakikipag-sex. Tanong po niya, hindi raw kaya meron siyang vaginal cancer. Ano po ang mga sintomas ng vaginal cancer? — Rowena M.

Kailangang masuri siya para malaman kung ano ba ang dahilan ng pagdurugo. Hindi dapat ipagwalamba- hala ang nararanasan niya. Sabihin mo sa iyong pinsan na magpakunsulta agad sa espesyalista.

Karaniwang mga kababaihang nasa edad 45 hang­gang 65 ang nagkakaroon ng vaginal cancer. Ang tina­tawag na embryonal rhabdomyosarcoma, isang uri ng vaginal cancer ay maaaring maapektuhan ang mga batang babae. Kapag umatake ang cancer, hindi makon­trol ang pagkalat ng malignant cells sa vagina.

Sintomas ng vaginal cancer ang abnormal na pag-du­rugo sa vagina lalo na kapag nakikipag-sex. Maka­darama rin ng masakit na pakikipag-sex. Maaari ring magkaroon ng tubig-tubig na discharge. Kapag ang cancer ay naka-spread na sa bladder at rectum, mananakit ang mga bahaging nabanggit.

Pagtanggal sa bahaging may cancer ang isinasa-gawa. Isang paraan din ang tinatawag na hysterectomy o pag-aalis ng lymph nodes sa pelvis. Isinasagawa rin ang radiotheraphy.

Hindi pa matukoy ang tunay na dahilan ng vaginal cancer subalit may mga pag-aaral na ang exposure sa estrogen ng ina sa panahon ng kanyang pagbubuntis ang itinuturong dahilan. Malaki ang panganib na magkaroon ng vaginal cancer kapag ang pamilya ay may history ng cancer sa reproductive organs.


ANO

CANCER

DR. ELICA

HONG KONG

ISANG

ISINASAGAWA

KAILANGANG

KAPAG

ROWENA M

VAGINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with