^

PSN Opinyon

Paging Task Force USIG!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TINATAKOT pala ni Atong parolado, ang isang media man na tumutuligsa sa mga kagaguhan ng una partikular sa illegal gambling.

Si Atong parolado, kasi ang may hawak ng mga pasu­galan dyan sa Cagayan, Iloilo, Camarines Norte, Isabela at Cavite pagdating sa usapin jueteng.

Ang akala ni Atong parolado ay kaya niyang takutin ang kasamahan nating si Pabs Hernandez na walang humpay na bumabatikos sa mga kagaguhan nito.

Ang problema kakampi ni Prez Gloria Macapagal Arroyo at ng DILG itong si Atong parolado kaya hindi ito masaling kahit na puro illegal ang pinaggagawa sa Philippines my Philippines.

Si Atong parolado ay hindi tumitigil sa kaiisip ng mga paraan kung paano niya lulusutan ang butas este mali batas pala para lamang makagawa ng illegal.

May kondisyon si Atong parolado sa korte na hindi siya puedeng pumasok sa mga illegal activities partikular ang jueteng pero iniisnab lamang ng kamote ang utos ng hukuman.

Front lamang ni Atong parolado ang STL pero ang kinikita nila todits na dapat pumasok sa bulsa este mali kaban pala ng bayan ay sa kanila napupunta.

Gusto pa ni Atong parolado na magtayo ng on-line sabong at jueteng na alam naman ng mga madlang manunugal na alaws silang kapana-panalo.

Tinatawagan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Task Force USIG sa pangunguna ni Atty. Ric Blancaflor na imbestigahan ang banta ni Atong parolado kay Pabs.

Abangan.

Imbestigahan ang BOC at DOF

GUSTONG pabusisi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino ang Bureau of Customs at Department of Finance dahil papatawan nila ng buwis ang mga imported books na papasok sa Philippines my Philippines.

May House Resolution number 1157, si Teddy na humihiling siyasatin ang kontrobersyal na isyung ito dahil apektado ang cultural, educational at scientific materials sa Republic of the Philippines.

Hindi tatantanan ni Teddy ang investigation todits.

Abangan.

No El, revolution

SANGKATUTAK na ang nagmumuni-muni na kapag dehins natuloy ang eleksyon ay magkakaroon ng ‘revolution’.

Naku ha!

May mga politikong kamote ang nagsasalita tungkol dito dahil nararamdaman daw nila na baka magkaroon ng kalokohan kasi may mga nagmamanipula na daw nito?

Ika nga, hinala pa lang!

Nakahanda naman ang madlang people sa Philippines my Philippines na bantayan ang anuman giyerang patani na maaring mangyari dahil ang gusto ng mga Pinoy ay maging peace loving country tayo sa ating sariling bayan.

Ganuon!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na magmatyag ang madlang people sa maaring mangyari.

Abangan.

ABANGAN

ATONG

BAYAN MUNA REP

BUREAU OF CUSTOMS

CAMARINES NORTE

DEPARTMENT OF FINANCE

MAY HOUSE RESOLUTION

PAROLADO

SI ATONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with