MARAMING gamot ang puwedeng inumin para bumaba ang presyon ng dugo, ngunit isa sa pinakamabisa at subok na gamot ay ang Plendil. katunayan, ika-20 taon na ng Plendil sa merkado ayon sa AstraZeneca company.
Ano ang ibig sabihin ng “presyon ng dugo” o “blood bressure”?
Ang presyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat habang nagbobomba ang puso. Mahalaga ang presyon ng dugo para sa sapat na pagdadala ng dugo ng sustansiya sa iba’t ibang ba-hagi ng ating katawan.
Ang blood pressure ay sinusukat at sinasaad sa dalawang numero: Ang systolic at ang diastolic na presyon. Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang puso. Ang normal na systolic na presyon ay 90 hanggang 140 mm Hg.
Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay 60 hanggang 90 mm Hg.
Kailan may high blood pressure o altapresyon?
Ang blood pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay nangangahulugan na may altapresyon ka! Kadalasan ay kailangan na itong gamutin.
Ito ang bagong klasipikasyon ng blood pressure:
• Pinakamainam: Systolic 120 o mas mababa at Diastolic 80 o mas mababa
• Mataas sa normal: Systolic 120-139 o Diastolic 80-89
• Altapresyon Baitang 1: Systolic 140-159 o Diastolic 90-99
• Altapresyon Baitang 2: Systolic lampas 160 o Diastolic lampas 100
Plendil: Mabisa at abot kaya na
Para sa may altapresyon, ang Plendil (na may generic name na Felodipine) ay binibigay ng 5 mg tablet isang beses lang sa isang araw. Kahit lampas 160/100 ang iyong presyon, kaya pa rin ito pababain ng Plendil. Baka kailangan lang itaas ang Plendil sa 10 mg tablet sa isang araw.
Sa ngayon ay may mga 30% Discount Cards na ang Plendil tablets. Makukuha ito kapag nagpa-check-up kayo sa inyong espesyalista sa puso. Kapag may discount cards, aabot na lang ng P24 ang halaga ng Plendil 5 mg tablet.
Kumunsulta sa doktor para sa inyong altapresyon. Mag-ingat para hindi umabot sa stroke at heart attack. Sa loob ng 20 taon, maraming doktor na ang gumamit at nagtiwala sa Plendil. Good luck po!