^

PSN Opinyon

Si Peting ng Caloocan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

Ano kaya ang anting -anting mayroon ang son ni dating­ Congressman Luis “Baby” Asistio na si Luis “Peting Jr. na laging nakalulusot sa batas sa kabila ng maraming kasong kinakaharap?

The other week ay laman na naman ng news si Peting matapos masangkot na naman daw masabit sa kasong pagnanakaw at carnapping?  Pero papaano nga bang nangyayari na sa dami ng reklamo, kaso at kung anu-ano pa ay tila malayang nakagagalaw si Peting Sa Caloocan? Bakit?

Nagtatanong tuloy ang ilang taga-Caloocan kung ano pa kaya ang mangyayari kapag natuloy ang pagtakbo uli ni Baby bilang mayor ng Caloocan? Ano kaya mga kamote ang palagay ninyo? Baka lalong sumikat si Peting sa nasabing place? 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasangkot na namang daw si Peting sa pagnanakaw ng mga gamit at kotse ng isang Joey Mancilla habang naka-check-in sa isang hotel sa Caloocan noong Abril 27? Totoo kaya ito? Naku ha! Kuwento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may report umano noon na nasangkot si Peting sa kasong kidnapping sa lalawigan ng Pampanga.  Pero kahit nadakip ito ng mga pulis doon, nakalaya pa daw ito gayung kung tutuusin ay non-bailable ang kidnapping.

Nabanggit ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kidnapping, kaya naalala nila noon daw dekada 60’s ay nakulong si Baby dahil sa kasong pagkidnap daw sa isang Chua Pao? Tingnan mo nga naman ang buhay.

* * *

Senator Villar, hindi mana-knockout ng kalaban

DAHIL sa walang humpay na pag-angat ni Senator Manny Villar, soon to be the President of the Republic of the Philippines sa mga survey ang kanyang mga ambisyosong kalaban niya na alaws naman panalo ay walang humpay ang pagtira para sirain ang kredibilidad ng atin bida sa mata ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, dehins tanga ang madlang voters of today! 

Kahit na anong banat sa isinusulong na imbesti­gasyon sa akusasyon na umano’y “nag-tongpats” ng karag­dagang P200 milyon si Villar sa C5-Las Piñas interconnection road sa 2008 national budget alam ng madlang voters na politics ang behind the scene. Hehehe!

Sabi nga, angat kasi sa presidential survey si Manny!

Alam ng madlang people na multi-billionaire si Manny kaya imposibleng magnakaw pa ito sa kaban ng bayan.

Nasasayang tuloy ang time sa Senate maraming katas este mali batas pala ang dapat atupagin pero ang isyu regarding kay Manny na wala naman patutunguhan ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang siyang binubusisi ng todo.

Last Monday, sa hearing sa Senate naubos ang kalahating araw na wala namang napagkasunduan kung paano ang gagawin sa imbestigasyon laban kay Manny.

Sabi nga, hindi kayo nakakatuwa.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit anong klaseng pagtibag ang gawin versus Manny ng mga ambisiosong politiko ay dehins na ito panini­walaan ng madlang people.

Ika nga, sanggan diin na siya sa masa.

Sabi nga, ng minority sa Senado na walang “fair hearing” na makukuha si Manny dahil ang mga maghuhugas este mali huhusga pala dito  ay pawang makikinabang sa pagkasira ng kanyang image at reputation bilang public servant.

Tama as in correct,  ang hinala nina Senator Allan Peter Cayetano at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., na ngayon pa lang kasi ay tapos na ang desisyon laban kay Villar? Kung ganito nga, ano pa ang saysay ng buong proseso? 

Saludo tayo sa liderato ni Senate President Juan Ponce Enrile kaya ang panawagan ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kanya ay suriin at pag-aralang mabuti ang mga kasalukuyang kasaysayan este mali nangyayari pala sa Senado.

Mas makabubuti sa kanyang liderato at sa buong institusyon na putulin na niya ang mga ginagawang maniobra ng kanyang mga kasamahan laban sa kanilang kapwa senador at maibalik ang atensyon ng Senado sa mga kagyat at mas mahahalagang isyu na taumbayan- at hindi iilan — ang makikinabang.

ANO

AYON

CALOOCAN

CHUA PAO

CONGRESSMAN LUIS

SABI

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with