^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mas inuna pa ang laban ni Pacman

-

HINDI natuloy ang session sa House of Representatives noong Lunes dahil sa kakulangan ng qourum. Maraming absent na House members — nasa 70 ang nasa ibang bansa kaya minabuti na lamang na ipagpaliban ang session. Ang present na mambabatas ay 131 lamang gayung ang quorum­ ay dapat 134. Ang bilang ng mga mambabatas sa ka­sa­lukuyan ay 266, naidagdag na rito ang 28 miyem­bro ng party list representatives kamakailan. Kung kailan makakadalo ang 70 mambabatas na absent ay walang nakaaalam. Depende sa gagawin sa kanilang pag-quarantine ng health authorities dahil sa posibleng pagkakaroon ng swine flu virus­.

Inuna pa kasing manood ng may 50 mamba­batas, kasama si House Speaker Prospero Nog­rales ng laban ni boxing champ Manny Pacquiao sa Las Vegas. Ngayon ang apektado ay ang taum­bayan na umaasang sa ipapasang batas ng ka­nilang mga inihalal, sila ay makikinabang. Ma­laking kabiguan ito sa mamamayang nagpapa­suweldo sa mga mambabatas. Bukod sa 50 mamba­batas na nasa Las Vegas, 20 mambabatas pa ang kasama naman ni President Arroyo sa pagbisita sa Egypt at Syria. Pawang paggastos sa salapi ng bayan ang namamayani dahil sa madalas na pag­bisita sa mga bansa. Ewan nga lang may napapa­kinabang ang taumbayan sa mga pagbisitang ginagawa. Maka­kuha nga kaya ng investors ang Arroyo administration sa ginagawang pagbisita at makalikha ng trabaho. Sana naman. Sa kasalu­kuyan, problema ng bansa ang unemployment.

Maaari namang hindi na magtungo sa Las Vegas ang grupo ni Nograles at dito na lamang pa­noorin ang laban pero sabi ng House Speaker, wala raw siyang pinalalampas na laban ni Pacquiao. “Pride ng Mindanao” umano si Pacman kaya naman kinokonsidera niya ang sarili na kasama sa Team Pacquaio. Taga-Davao si Nograles. Mariin din niyang sinabi na sarili niyang pera ang ginastos patungo sa Las Vegas.

Ngayon ay ang taumbayan na ang naaagrabyado sapagkat wala pa sila para magpasa ng mga batas. Walang napapakinabang sa mga hinalal ng taumbayan.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOG

LAS VEGAS

NGAYON

NOGRALES

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with