^

PSN Opinyon

Nakakatakot na posisyon!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Ibinasura na ng piskal ng Quezon City ang kasong obstruction of justice laban kay Ted Failon at ilang kasam­bahay niya, dahil sa kakulangan ng ebidensiya, at mga maling proseso na ginawa ng QCPD sa pamumuno ni Supt. Franklin Mabanag noong isinampa nila ang reklamo at kaso. Wala pa naman daw malakas na ebidensiya na nagsasabing may krimeng naganap, dahil hindi pa nga tapos ang imbistigasyon. At dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon, wala pang kaso. Ni wala pala silang mga utos ng korte na hingin ang cell phone ni Ted at pumasok sa kanilang tahanan para mag-imbestiga. At nagbigay naman ng mga pahayag nila, na inabot ng ilang oras!

Kaya ano ang hinaharang pala nila Ted at mga kasam­bahay niya? At hindi ba iyon naman ang laging sinasabi, sinisigaw na nga nung hinihila ang mga kapatid ni Trina Etong nung gabing namamatay na siya? Anong kaso? Anong krimen? Kaya iyan, bistadong-bistado ang mga tunay na intensiyon ng mga pulis na ito ay pagmamalabis lamang kay Ted, para sa anumang dahilan na sila ang nakakaalam.

Ang sinasabi ng piskal ay mali ang proseso, mali ang interpretasyon ng mga pulis sa batas, kaya mali ang mga ginawa nila sa mga mamamayang ito. Imposibleng hindi nila alam ang batas! Mga pulis sila! Sila ang dapat nagpapatupad ng batas, at hindi binabaluktot ito! Nakita natin kung gaano ka-makapangyarihan ang pulis, sa nakakatakot na paraan. Kung wala ang mga kamera sa lahat ng mga sandaling iyon, ano ang magiging kuwento ng mga pulis para sa mga kilos nila? Ano ang sasabihin nilang pinaggagagawa ng mga hinuhuli nila, kaya sila umaksyon ng ganun? Kung iyong may video, ganun pa rin sila, paano pala kapag wala nang kamera? Nakaka­takot talagang isipin.

Ngayong ibinasura na ang kaso at nakita natin ang mga pagkakamali ng mga pulis, ano na kaya ang mang­yayari sa mga sinuspindeng pulis? Tatapusin na lang ba ang pagsuspindido sa kanila, at makakabalik muli sila sa tungkulin, o haharap ba sila sa administratibong imbisti­gasyon ng PNP? Dapat siguro mag-refresher course na muna sila sa batas at proseso, at maliwanag na hindi nila ito sinunod nang mabuti. Malamang pitik sa kamay lang ang gagawin sa kanila, at makakabalik na sila sa tung­kulin. Makakabalik na sila sa makapangyarihang posis-yon nila sa siyudad. Nakakatakot na posisyon.


vuukle comment

ANONG

FRANKLIN MABANAG

KAYA

NILA

PULIS

QUEZON CITY

SILA

TED FAILON

TRINA ETONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with