^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga magagandang dulot ng laban ni Pacman

-

Marami nang mabibigat na laban ang pinag­da­anan ni boxing champion Manny Pacquiao at isa na riyan ang laban kay Ricky Hatton ng Britain noong Linggo. Pinatulog ni Pacman si Hatton sa second round. Maikli lamang ang laban pero maraming naidulot na maganda sa Pilipinas. Isipin na lamang kung magkakaroon palagi ng laban si Pacman e di mas lalong maraming magagandang maidudulot sa bansang ito.

Ilan sa mga magagandang naidulot ng laban ni Pacman noong Linggo ay ang kawalan ng krimen at aksidente. Imagine, kayang patigilin ni Pacman ang mga masasamang-loob at ganundin ang pagkakaro­on ng aksidente. Ayon sa National Capital Regional Office (NCRPO), zero ang kriminalidad at aksidente noong Linggo. Lahat ay nasa kani-kanilang bahay, sinehan o kaya’y gym ang mga tao at nanonood ng laban nina Pacman at Hatton. Ayon sa NCRPO, karamihan ng 12 milyong residente sa Metro Manila ay nasa kani-kanilang mga tahanan at nanonood ng laban. Kabilang daw sa mga nanonood ang mga criminal at iba pang masasamang-loob. Wala rin namang naitalang aksidente sa sasakyan sapagkat karamihan sa mga jeepney at bus drivers ay pan­samantalang iginarahe ang kani-kanilang mga sasakyan para mapanood ang laban.

Pansamantalang tumigil ang mundo sa mga Pilipino habang nakikipagbakbakan si Pacman sa hitman ng Britain. Kung nagkataon at napahaba pa ang round ng laban, mas lalo pang matagal ang katahimikan at kapayapaan sa bansa. Kailangan lamang pala ay isang katulad ni Pacman na mahusay sa boksing para magkaroon ng zerong krimen at aksidente sa bansa.

Ngayon ay hindi na maitatatwang mas inaaba-ngan at kinasasabikan ang boksing kaysa sa iba   pang sport. Mas maganda kung magkakaroon pa nang maraming Pacman sa bansang ito para na-   man matahimik at magkaroon ng kapayapaan kahit man lang sa loob ng maikling panahon. Pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang sport na ito. Mag-train ng mga kabataang susunod sa yapak ni Pacman. Maraming idudulot na maganda ang boksing sa bayan.

AYON

HATTON

LABAN

LINGGO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL OFFICE

PACMAN

RICKY HATTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with