Sugalan sa Bulacan naglipana
Hindi biro ngayon ang sugalan sa Bulacan porke naglipana ito todits gaya ng video karera na kinalulukuhan hindi lang ng mga adik sa shabu kundi pati mga batang paslit na ma runong maghulog ng barya sa nasabing makina.
Isang Romy tatooh, ang sinasabing financer ng mga pasugalan blues dyan sa lugar ng Calumpit at San Miguel Bulacan hindi daw biro ang kinikita nito sa kanyang mga nagkalat na makina porke umeengreso siya ng hindi baba sa P200,000 kada linggo.
Isang Abet vices, naman ang kumakamal ng pitsa mula sa mga adik na manunugal sa mga lugar ng Plaridel at Pulilan kaya naman sagana ang mga bugok na pulis todits dahil busog daw sa tiembre kada linggo.
Ano kaya ang masasabi todits ni Bulacan Governor Mendoza?
Abangan.
Engineer Renz, ang jueteng lord ng Kyusi
Tumigil pala ng dalawang araw si engineer Renz, matapos tirahin ang mga kubrador niya ng jueteng ng grupo ng PNP-CIDG the other week.
Sumbong daw agad si engineer Renz sa mga nakapatong na NBI at DILG matapos mahuli ang kanyang ang 19 kumag este mali kubrador pala ng mga agent from the PNP-CIDG.
Sabi nga, palakpakan sila!
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, porke isang Major abalone daw from the office of CPD director ang nagbigay ng basbas kay engineer Renz na magpa-jueteng sa kyusi.
Tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi alam ni Mayor Sonny Belmonte ang kagaguhan ni engineer Renz at ni Major abalone sa mga kagaguhan pinaggagawa nila sa Kyusi.
Malalaman natin ang mangyayari kay Major abalone porke saksakan daw ng lakas ito kay NCRPO Boysie Rosales?
Totoo kaya ito?
May paglalagyan ka Major abalone tulad ng isang police Manila na nagpapakilalang kolektor pang-Metro-Manila ni Boysie,
Ewan lamang ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung nasa kangkungan na si Noel.
Abangan, natin ang report.
Pacquiao, mabuhay ka!
Natutuwa sa galak ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa ipinakitang husay ni People’s Cham Manny ‘Pacman’ Pac quiao, sa larangan ng pusoy este mali boxing pala kasi lahat ng nanood ng laban the other day ay napatulala dahil humanga sila sa galing at lakas ni Pacman.
Sabi nga, pinoy Superman!
Ayon sa mga nakapanood ‘no match’ ang laban nina Pacman at Hatton dahil hindi man lang nag-init daw ang kili-kili ni Manny sa labanan.
Kaya naman marami ang natutuwa at humanga kay Pacman hindi lang ang kanyang nanay este mali mga kababayan pala kundi people around the world.
Luhaan kasing umuwi sa kanya hotel si Hatton kasama nito ang bandera na kanyang pinanggalingan na sinisingahan habang naglalakad. Hehehe!
Anyway, congrats Manny mula sa puso ng bawat Filipino na humahanga sa galing mo.
Sabi nga, ahu, ahu. ahu!
- Latest
- Trending















