^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakahanda ba ang gobyerno sa swine flu?

-

Nasa Asia na ang swine flu o ang A (H1N1) virus­ . At maaaring magkaroon nito sa Pilipinas kapag hindi nakagawa ng paraan ang mga awto­ridad. Ano ba ang ginagawang paghahanda ng gobyerno para maiwasan ang swine flu at hindi na ito kumalat?

Dumating na sa Asia ang swine flu makaraang makumpirma noong Sabado na may kaso ng naitala sa Hong Kong at South Korea. Isang 25-anyos na Mexican na dumating sa Hong Kong noong Biyernes ang positibong may swine flu makaraang mang­ galing sa Mexico via Shanghai. Dahil sa pagkatuklas sa sakit ng Mexican, ipinag-utos ng Hong Kong Food and Health Department na i-trackdown ang lahat ng mga nakakontak sa lalaking me swine flu, kabilang ang taxi driver na sumundo rito sa airport. Ayon sa report, stable na ang kalagayan ng Mexican sa hospital. Ang lahat ng mga pasaherong naka­sabay ng Mexican sa eroplano ay inatasang i-isolate sa loob ng pitong araw. Pati na rin ang mga guest at staff sa tinuluyang hotel ng Mexican ay inatasan ding i-isolate para matiyak na hindi sila nahawa.

Kung alerto ang Hong Kong authorities sa mga pasaherong dumarating, ganito rin naman kaalerto ang mga awtoridad sa South Korea. Isang madre ang positibong may swine flu makaraang mang­galing sa Mexico noong Linggo. Nasa mabuting kalagayan na ang madre. Ayon sa Korean Centers for Disease Control and Prevention, nakatutok ang kanilang atensiyon ngayon sa babaing sumundo sa madre sa airport sapagkat kinakitaan ito ng lagnat. Maaaring nahawa rin ang babae.

Nasa Asia na nga ang swine flu at tiyak na kakalat na. Ang Pilipinas ay hindi libre sa sakit na ito kaya nara­rapat na nakahanda. Araw-araw ay may duma­rating na Pinoy mula Hong Kong at iba pang bansa sa Asia. Gaano kahanda ang mga awtoridad sa airport para matiyak na ang mga dumarating ay walang swine flu. Hindi kaya maulit ang nangyari noon kung saan ang SARS virus ay nakalusot at nagdulot ng kamatayan sa isang Pinay. Naghatid ng takot ang pangyayaring iyon. Sana nagkaroon na ng leksiyon ang mga awtoridad sa NAIA para magkaroon ng lubusang kahandaan sa napipintong paglaganap ng swine flu. Ipakita ang kahandaan sa ganitong pagkakataon.

ANG PILIPINAS

AYON

DISEASE CONTROL AND PREVENTION

FLU

HONG KONG

HONG KONG FOOD AND HEALTH DEPARTMENT

NASA ASIA

SOUTH KOREA

SWINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with