Presidente Erap, mananalo kapag kumandidato sa 2010

KUMPIYANSA si Presidente Erap na mananalo kung tatak­bo siya sa presidential election sa 2010. Ito ang kanyang idineklara sa nationwide radio progam na “Boses ng Masa” na napakikinggan sa DZRH tuwing Biyernes, 5:30-6:00 pm, kung saan ay host ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment    and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

Ayon kay Presidente Erap, napupulsuhan niya ang taumbayan, lalo na ang masang Pilipino, sa pamamagitan ng mga isinasagawa niyang Lakbay Pasasalamat caravan” at iba pang pakikipag-ugnayan sa mamamayan. Ang pangunahin niya umanong naging inspirasyon upang muling pamunuan ang bansa at ganap na makapagling-kod sa taumbayan ay ang naging pagkapanalo ko at ni Jinggoy bilang senador.

Gayunman ay binigyang-diin niya na bilang last option lang sa presidential election. Mapipilitan lang umano siyang kumandidato kapag tuluyang hindi nagkaisa ang mga presidentiable ng oposisyon. Ayaw kasi ni Presidente      Erap na maulit ang sinapit ni Fernando Poe Jr. (FPJ) noong halalang 2004 kung saan ay maraming taga-oposisyon ang kumandidato kaya nabawasan ang boto ni FPJ at nadaya.

Tungkol naman sa pagkuwestyon ng ilang mga taga-administrasyon sa ligalidad daw ng pagkandidato ni Presidente Erap sa 2010 ay malinaw nang sinabi ng mga legal luminary , sa pangunguna nina retired Supreme Court Chief Justices Andres Narvasa at Artemio Panganiban at ng mga pinagpipitaganang   dean ng mga law school sa ating ban­sa na talagang pwedeng-pwede siyang ku­mandidato at walang ligal na balakid dito.

Ang malaking konside­ras­yon na lang ngayon ay ang des­peradong pagpupumilit ng Malacañang at mga kaal­ya-     do nito na ilusot ang Charter change upang huwag nang mag­karoon ng eleksyon sa 2010 at manatili sa poder ang ka­salukuyang adminis­trasyon.


Show comments